Kuya, beinte dos anyos na ako
Kaya ko na ang buhay na solo
Huwag mo sanang hadlangan ang gusto ko
Sige, ikaw na'ng bahala rito.
Paalam Ate, huwag kang lumuha
Kabisado ko ang buhay Maynila
Balang-araw ay sisikat din ako
Abangan mo na lang sa peryodiko.
Cecilia ko, aking mahal
Ipagdasal mo ako sa Maykapal
Hindi kita malilimutan
Tawirin ko man ang ilang karagatan.
Ako'y babalik sa ibang araw
Ako'y kakatok na lang sa inyong pintuan
Kahit ano pa man ang mangyari
Mahal ko kayong lahat, lagi n'yong tatandaan.
Paalam, paalam, paalam na lang sa inyo
Paalam, paalam, paalam na lang sa inyo
Paalam, paalam, paalam na lang sa inyo.
Inay, Itay, huwag kayong mag-alala
Kung akala n'yo ako ay bata pa
Kaya ko na rin po ang mag-isa
Sige po, lalakbayin ko'y malayo pa.
Paalam, paalam, paalam na lang sa inyo
Paalam, paalam, paalam na lang sa inyo
Paalam, paalam, paalam na lang sa inyo.
Paalam, paalam, paalam na lang sa inyo...
- Leandrino & Cesar Verdeflor
KAKANTAHIN KO KAYA 'TO PAG NAG-22 AÑOS NA AKO ? HEHE
NAKAKALUNGKOT LANG 'YUNG KANTA .. NAPAKINGGAN KO LAST SUNDAY ..
ISTORYA NG ISANG 22 YEAR-OLD GUY NA NAGBABAKASAKALI'NG MAGKAROON NG MAGANDANG TRABAHO SA MANILA ..
NAGPAALAM SA KUYA , ATE , INAY AT ITAY NYA , AT SYEMPRE SA KANYANG MINAMAHAL NA JOWAWI ..
KAPAG SA'KIN KAYA NANGYARI 'TO ? HINDI NAMAN SIGURO GANYAN KALUNGKOT ..
GUSTO KO MASAYA AKONG AALIS DAHIL PARA SA KANILA KAYA AKO MAGTATRABAHO SA MANILA ..
PERO HINDI AKO MAGMA-MANILA NOH .. MARAMI NAMANG TRABAHO DITO SA LAGUNA , LALAYO PA AKO ..
ANG SA AKIN LANG .. GOOD LUCK NA LANG SA MGA GUSTONG MAGWORK SA MALAYO ..
'WAG KAYONG MALUNGKOT SA MGA MAIIWAN NYO .. BAUNIN NYO NA LANG ANG PAG-ASA NA MAKAKAPAGHANAP KA NG MAGANDANG CAREER KAHIT MALAYO KA SA KANILA ..
SILANG MGA INSPIRASYON MO ANG TUTULONG SA'YO NA MAGSIKAP AT MAGTIYAGA ..
DARATING ANG ARAW .. KAPAG NAGING SUCCESSFUL KA ..
PAG-UWI AT PAGBALIK MO SA'YONG PAMILYA , SAKA MO PALANG MARARAMDAMAN ANG TUNAY NA SAYA AT KALIGAYAHAN ..
No comments:
Post a Comment