10:49PM, one hour and eleven minutes
before January 1st of 2013. I remember last year, parang
ganito din ata ang introduction 'ko? Anyway, this will be my last
post this year. Naka-ugalian ko naman talaga every yearend maggawa ng
post dito sa online diary ko. Toink. Well, ang kaibahan lang siguro
last year, sa Cellphone lang ako nag-ta-type, pero ngayon sa laptop
na (nag-level up. TNT). Last year, medyo tahimik lang ang paligid,
pero ngayon ang ingay-ingay, nagpapa-tugtog kasi ako ng mga songs
from my USB, using our newly owned/purchased Home Theater showcase
(Taray), actually kahapon lang namin 'to binili, biglaan nga eh,
Flatscreen LED TV with DVD with Amplifier and speakers, marahil hindi
naman talaga namin kailangan ng ganyang ka-bonggang TV pero sino
ba'ng aayaw ng magandang TV, 'di ba? Atsaka para naman may maipundar
ako this Christmas, kung nagka-pera man ako nitong nagdaang pasko,
ayoko namang unti-unti lang 'yon maubos sa wala, maigi na 'yung may
mai-pundar ako para sa aming tahanan, 'di ba?
Sabi ni Father Jason kanina sa misa,
kaya tayo tumatalon tuwing New Year ay hindi dahil upang tumangkad
tayo, tumatalon tayo upang sa pag-pasok ng bagong taon, umangat naman
tayo, tumatalon tayo hindi upang tumaas ang height natin bagkus
tumaas naman ang antas ng buhay natin. Sino ba'ng ayaw sumagana at
umunlad ang buhay? 'Di ba wala? Taun-taon, 'yun lang ang lagi kong
dasal, ang umunlad at sumagana ang aming buhay, kung hindi man kami
yumaman ng biglaan (like winning on a lottery, becoming a millionaire
instantly) pero kung unti-unti naman magiging maayos ang buhay namin
at araw-araw kami'ng magkakasama, wala na'ng mas liligaya pa sa aming
pamilya.
Last year, 20 years old lang ako (Lol),
Local Store Marketing sa McDo, Single (not married), sabihin na natin
na masaya din naman ako kahit papaano last year, pero mas masaya ako
ngayon. Sinalubong ko ang 2012 last year na malungkot, pero kailangan
magsaya, puno pa rin ng pag-asa, I remember last year, sabi ko sa
sarili ko maraming mangyayari sa akin sa taong 2012, pero ngayon
na-rerealize ko na lahat ang mga nangyari ngayong taong 2012 na
nagdaan. Anu-ano nga ba?
January 2012, usual lang, nag-iisip ng
mga maaaring mangyari sa mga susunod na buwan, February 2012,
nag-celebrate ng Valentine's Day na single, dahil walang jowa, pero
still nag-celebrate pa din ako with my friends and my loved ONE,
naka-duty ako nun sa McDo tapos.. (oh 'wag na'ng balikan pa! TNT),
March 2012, wala ako'ng maalala, ay wait! Kunin ko pala 'yung planner
ko para maalala ko ang mga nangyari nung March, ayun! Busy ako sa
McDo, training newly-hired service crews, party-hosting, nag-aapply
pala ako ng bagong work (oh 'di ba, nasa resigning stage na pala ako
that time), at higit sa lahat may jowa pala ako (February 23 to March
20, 26 days lang naging kami ni _ _ _, medyo nasaktan ako kasi naloko
na naman ako, but I'm not sure kung totoo nga, pero proud ako, kasi
sa 26 days na naging kami, siguri 4 or 5 days lang kami hindi nagkita
:)) April 2012, 5 years na ako as a Lector, and I'm so proud of it,
masaya ang naging Fiesta samin kahit sa pagtapos ng araw ay may
patayang naganap (so fatal) busy din ako sa McDo nyan, with my Kiddie
Crews, lalo na sa Batch 3 kids, sa kanila ko na-feel ang pagiging
teacher ko. May 2012, sa buwan na iyan madaming nagbago sa buhay ko,
for about two years and seven months ko sa McDo, I finally filed my
resignation letter, may part na masakit sa akin ang umalis na sa
McDo, but that's life, lahat naman kami (my friends, crewmates) ay
mawawala sa McDo, una-una lang 'yan, we have to grow. May 16 ng
mapirmahan ng pangulo ang Cityhood ng Cabuyao, 'yun din ang first day
ko sa bago kong pamilya, sa aking bagong trabaho. June 2012, medyo
nag-aadjust pa sa bago kong workplace, workmates, pero exciting din.
Last three days of June ng first time kong makarating ng Davao for a
product presentation (oh 'di ba bongga). July 2012, business meeting,
site visiting, meeting clients, attending different events, first
time ko ding makarating ng Zambales. August 2012, ang malaking
pagbabago sa aking bayan, August 04 ang plebiscite ng Cabuyao, at
syempre it was ratified and became officially a City on that day.
September 2012, second time ko maging coordinator sa awarding ng mga
bahay sa sundalo, busy sa work, at syempre nabuhay lalo ang social
life ko, I experienced so many things, promise! October 2012, we
welcomed the secong Filipino saint, Saint Pedro Calungsod. November
2012, enjoying my social life with one of my closest friends,
Lovelyn, I met so many friends in Clan, attending GEBs, etc.
Attending planning sessions (in Subic for three days), madami akong
nakilalang tao ng buwang ito, mga naging malapit kaagad sila sa puso
ko, kaya I know hindi ko kaagad sila makakalimutan. December 2012, I
celebrated my birthday more bonggacious than last year, I can say.
Ahm, sa mga huling araw ng taon madaming mga bagay ang hindi ko
talaga makakalimutan, promise! Mga bagong pangyayari, kaibigan,
crush, etc. May mga na-feel ako these past few days, marami akong
biyaya na natanggap, hindi lang regalo, reward, blessings, that is
why I will always be thankful to God. I will not mention anything
here, alam ko na lahat 'yon. I feel more blessed this year than last
year. Thanks be to God forever,
My predictions for the coming year of
the Water Snake, magiging masagana daw ang taon kong ito, basta't
maging humble lang daw ako, I will do it. Pagdating sa Lovelife, ahm,
magiging masaya din daw ako this year, (sa wakas! LOL) basta 'wag daw
akong maging arogante, I will do.
So, thank you and good bye 2012, and
welcome 2013! Though the coming year is with number “13”, but we
should be positive for the whole year and everything will be in good
place.
Let us all welcome 2013 with LOVE in
our HEARTS, PEACE in our MINDS and GOD in our LIVES..
othanhinagpis2012 is now signing off...
Logging in..
othanhinagpis2013
Jonathan Manangkil Hinagpis
22 years and 27 day-old
5 years and 9 months in service as a
Lector in our Parish
7 months and 16 days employed at
Ecostrong Builders Corporation
Single but happy and contented
and most of all, 85% virgin, pure,
clean and clear. LOL
No comments:
Post a Comment