Sabi nila, mahirap daw ang College Life, sabi naman ng iba, masarap at masaya daw. Ngunit para sa akin, bilang isang freshman, entering college life is a new beginning. After the 4 years of sacrifices, learnings and happiness in highschool, we need now to move on to the next chapter of our life which is College Life.
Highschool life is really different from College Life, 'cause in College, you need to practice yourself to be an independent differ from highschool life. Sa College, hindi importante kung anung edad mo na, hindi importante kung anung relihiyon meron ka, basta't ang mahalaga bitbit mo ang hangaring makapagtapos ng Kolehiyo ng may dangal. Dahil 'yon din ang magiging baon mo upang makapaghanap ka ng magandang trabaho na tutulong sa'yo sa pag-unlad ng iyong buhay.
Ayon sa aking naging karanasan, sa una lang mahirap ang pagpasok ng College, syempre darating ang mga entrance examinations, na kailangan mong paghandaan upang makapasok ka sa school na gusto mo. At kapag nakapasa, kailangan mo na ring pagisipan kung ano bang kurso ang kukunin mo na babagay sa kung anung gusto at abilidad mo. At kapag nakapili ka na, syempre kailangan mo ng mag-enroll, dadaan ka sa pagfi-fill out ng application forms, sa interview, at hindi mawawala ang pagbabayad ng mga fees malaki man o hindi.
Sa una, nakakakaba syempre, pero pag nagtagal na masasanay ka rin. Yan para sa akin ang pagpasok ng Kolehiyo, It's a New Beginning! Bagong Panimula!