Showing posts with label Featured Articles. Show all posts
Showing posts with label Featured Articles. Show all posts

Friday, June 12, 2009

MAKASAYSAYANG CABUYAO

Marahil interesado talaga akong malaman ang mga bagay tungkol sa aking bayan, ang Bayan ng Cabuyao. Kaya naisipan kong basahin ang pagkarami-raming mga photocopies tungkol sa Kasaysayan ng Cabuyao na nagmula pa sa lumang libro na ginagamit ng mga estudyante du'n sa Pamantasan.

Napakahaba pala ng buong kasaysayan ng Cabuyao, Laguna. Magmula pa noong mga panahon ng Kastila, American Era, Japanese Occupation, Liberation period hanggang ngayong kasalukuyan nakatala sa buong kasaysayan ng ating bayan. Marami akong nalaman at natutunan, nalaman ko ang pinagmulan ng pangalan ng Cabuyao, kung sino at kailan ito naitatag, kung sino sino ang mga naging mayor dito at higit sa lahat ay kung ilan at gaano kalaki ang nasasakupan ng bayang ito. Dati pala, ang pangalan ng Cabuyao ay Tabuko, ito ay itinatag ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1571, sa lahat ng bayan ng Laguna ang Cabuyao ay isa sa mga pinakamatatandang bayang naitatag sa buong Pilipinas (idagdag natin ang Bayan ng Liliw at Biñan). Ang bayan ng Tabuko ay binubuo ng mga balangay na ngayon ay tinatawag nang barangay. Ang mga barangay noon ng Tabuko ay ang Barangay Malabanan (na ngayon ay ang Biñan at San Pedro), Sta. Rosa de Lima (na ngayon ay ang Lungsod ng Santa Rosa), Calamba (na ngayon ay isa na ring Lungsod) at Sto. Tomas (isa na ngayong bayan na nasasakupan ng Lalawigan ng Batangas). Akalain mo, ang mga bayan ng Biñan, San Pedro, Sto.Tomas, lungsod ng Calamba at Sta. Rosa ay mga dating barangay lang pala ng Cabuyao? Na ngayon ay mga ganap nang bayan at lungsod. Malaki ang nasasakupan noon ng Cabuyao, ang mga dating barangay na ito ay nasasakop pa noon sa ilalim ng pamamahala ng pamahalaan ng Cabuyao.

Ngunit dumating ang mga panahon na nagkabuklod-buklod na ang mga barangay ng Tabuko, nagkaroon ng kanya kanyang mga pamahalaan at ang mga ito'y unti unting humiwalay sa ilalim ng pamahalaan ng Tabuko. Ang barangay Malabanan ay nahati sa dalawa, ang Biñan at San Pedro na ganap nang naging mga bayan noong 1725. Ang barangay Calamba ay naging bayan noong 1742, maging ang mga barangay Santa Rosa de Lima at Sto. Tomas ay naging mga bayan na rin at humiwalay na sa Tabuko. At ang natitirang lupa na naiwan sa Tabuko ay ang lupain na ngayon ay tinatawag nang Bayan ng Cabuyao.

Talaga nga namang makasaysayan ang naging istorya ng pinagmulan ng bayan ng Cabuyao. Kung iisipin natin ngayon, ang Cabuyao ay napapanggitnaan ng dalawang lungsod (Calamba & Santa Rosa City) na dati ay barangay lamang ng Cabuyao. Masalimuot man ang naging kasaysayan ng ating bayan ngunit makabuluhan pa ding malaman ang kanyang buong Kasaysayan.

Saturday, May 23, 2009

EBest

Ngayong panahon ng bakasyon, tiyak na tanghali na naman ako lagi kung gumising, at ang nagpapagising sa akin ay ang ingay na dulot ng mga magda-dabarkadz sa T.V., syempre walang iba kundi ang Eat Bulaga! Matagal na talaga ang best noon time show na iyon in Philippine Television, magte-thirty years na ang kulitan, kantahan, at kasiyahanng kanilang idinudulot sa halos araw-araw nating panananghalian. Sa likod ng tatlong dekadang pamamayagpag ng Eat Bulaga, ay naroroon ang kanilang hangaring makapagbigay pa ng kasiyahan at kaligayahan sa lahat ng tao, lalong lalo na sa mga bata. At bilang panimula ng kanilang mga surpresang ihahandog sa kanilang ika-tatlumpung taon, inihahandog ng Eat Bulaga ang EBest o ang Eat Bulaga's Best Student Awardee, kung saan kaalinsabay ng taon na kanilang pamamayani sa atin, tatlumpu din na mga estudyante ang kanilang sinaliksik sa bawat sulok ng bansa upang mahandugan ng nasabing karangalan. EB's Best Student Awardee, karangalan na handog ng Eat Bulaga sa mga batang kasalukuyang nakapagtapos ng Elementarya na may nakamit na karangalan, na sa kabila ng iba't ibang suliranin at kahirapan sa buhay, ay hindi inalintana sa pag-asang makapagtapos ng pag-aaral. Sa bawat araw ay isa-isang mga bata ang kanilang i-f-in-i-feature na mula sa iba't ibang probinsya at bayan sa Pilipinas, ipinapakita ang kanilang kalagayan ng pamumuhay, kasabay ng mga salitang kanilang binibigkas na punumpuno ng pag-asa at makapagbibigay ng inspirasyon sa mga katulad nilang naghihirap ngunit nakapagkamit ng karalangan, ang Edukasyon. May ilan sa kanilang hindi alintana ang layo ng nilalakad makarating lamang sa paaralan, mga batang walang sariling sapatos at nanghihiram lamang maging sa araw ang pagtatapos, mayroong isang nakatsinelas lang kung pumasok, ngunit lahat ng yan ay nakapagtapos dala ang pagiging isang valedictorian, salutatorian o First-Honorable man. Mga batang hindi hadlang ang kahirapan ng pamumuhay, may isa na ang pinagkakaabalahan pagkatapos ng klase bukod sa pag-aaral ay ang pagtulong sa ina na magtinda ng gulay, may batang sa may tulay man nakatira ngunit hindi hadlang upang maging isang valedictorian. Gasera man ang nagbibigay liwanag sa pag-aaral, nagdulot naman ito ng isang napakalaking karangalan sa kanyang ina ang pagiging isang valedictorian. Dala ng tatlumpung mga batang ito ang istorya ng kahirapan sa kabila ng karangalang kanilang natamo. Magmula man sa Luzon, Visayas o Mindanao, iba't iba man ang kanilang lugar ngunit iisa ang kanilang hangarin, na ang tanging Edukasyon lamang ang magdadala sa kanila sa kaginhawahan ng buhay.

"Ang edukasyon ang aking magiging daan tungo sa kaginhawahan", "Ang kahirapan ay hindi hadlang upang makapagkamit ng karangalan", "Ang edukasyon ay napakahalaga sapagkat kelanman ay hindi ito mananakaw" mga salitang kanilang binitawan na naging baon nila sa ilang taong pag-aaral, mga salitang nagdulot sa kanilang magpursigi at makapagtapos ng pag-aaral, mga salitang makapagbibigay inspirasyon sa bawat makakarinig na makapagbibigay kaliwanagan sa kahalagahan ng Edukasyon.

Tunay ngang napakahalaga ng Edukasyon, maging ako, hindi ako mahihiyang banggitin dito na sa bawat tanghaling panonood ko ng Eat Bulaga, bukod sa tumawa ay umiiyak din ako sa tuwing aabangan at papanoorin ko ang EBest. Sa bawat kwento ang pakikibaka at tagumpay ng mga bata, sa mga salitang namutawi sa kanilang mga bibig, tunay ngang na-inspire at humanga ako sa kanila. Di ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko sa tuwing papanoorin ko ang bata na i-f-i-feature ng EBest, sa bagong kwento at salitang kanilang babanggitin. Luha na ang dahilan ay awa sa kanilang kalagayan, at maging luha ng kasiyahan para sa kanila na nagtagumpay sa gitna ng pagsubok ng buhay. Nakakatuwa para sa akin, ang kanilang tagumpay ng pagkakamit ng karangalang kanilang pinaghirapan. Tunay na nakapagpaluha sa akin ang kanilang makainspirasyong buhay. Maaaring naka-relate man ako sa kanila ng bahagya, pero mas hanga pa rin ako sa tibay at hangarin nila na makapagkamit ng ganitong karangalan. Nasa elementarya pa lamang sila ramdam na nila ang bagsik ng buhay, naalala ko tuloy noong mga panahon na nasa kalagayan nila ako, hindi ko alintana ang kahalagahan ng Edukasyon, mayroon nga akong kumpletong gamit, sapatos at baon sa araw-araw ngunit wala naman sa akin ang hangaring makapagkamit ng karangalang kanilang natamo. Tunay na sila'y mga modelo ng kabataan ngayon na sana'y dumami pa. Alam kong sila'y may mararating, nasa unang level pa lamang sila at marami pang mga darating na pagsubok sa kanilang buhay, na kung ipagpapatuloy lamang nila ang kanilang prinsipyo, tiyak magtatagumpay muling sila. Nawa'y lahat ng kabataan ay maging katulad nila, mga EBest Awardees.

May 23, 2009, espesyal na araw ng Sabado para sa tatlumpung EBest Awardees. Ang araw kung kailan iginawad sa kanila ang plaka na nagpapatunay na sila'y mga EBest Awardees, mga natatanging bata ng Eat Bulaga. Isa-isa silang tinawag, sa likod ay ang kanilang mga magulang, iginawad nina Tito, Vic at Joey ang mga plakang karapat dapat lamang makamit ng tatlumpung bata. Kasabay ng pag-awit nina Gary V., Dulce, Din-din Llarena ng mga awiting nakapagbibigay inspirasyon. Muli na namang lumuha ang mga mata ko at nakita ko na naman silang lahat, ngunit luha na ito ng tuwa at ligaya ng makita ko ang mga ngiti sa kanilang mga mukha sa pagkakamit ng maraming surpresa mula sa Eat Bulaga. Bukod sa plaka, ang mga batang ito ay nagkamit din ng kumpletong mga school supplies, at damit kagaya ng sapatos..

Sunday, October 5, 2008

Ang Tinig ng Mga Badjao

Kuya/Ate


Ako po ay isang Badjao galing sa Mindanao

Pahingi po ng barya

pambili ng bigas at ulam


Salamat po..


Pamilyar ba sa'yo ang isang maikling sulatin na 'yan? nakakalungkot kung babasahin ano?


Kalimitan 'yang mababasa sa likod ng mga sobreng ipinamimigay ng mga Badjao sa bawat araw ng kanilang pag-akyat sa mga dyip upang mamalimos, na ginawa na nilang hanapbuhay upang may makain lamang kasama ng kanilang pamilya kahit isang beses sa loob ng isang araw. Kung nakakalungkot mang basahin ang mga salitang kanilang nais ipahiwatig sa atin, na sa likod ng bawat sobreng ating iniiwas-iwasang matanggap galing sa kanila dahil walang maibigay, naroroon at nakaguhit sa mga maduduming sobre ang kahirapan na kanilang tinatamasa. Nagmula sila sa malayong ibayo at dumayo sa lugar natin baon-baon sa kanilang isipan ang pag-asang ating sila'y tutulungan at kakaawaan. Hindi natin sila naiintindihan ngunit sa pamamagitan ng mga lukot at gusgusing sobre na malapit ng mapunit ay naipapahiwatig nila ang kanilang pagsusumamo para sa atin na sila'y tulungan. Ang bawat salitang nakasulat sa bawat sobreng kanilang ipinamimigay ay nakakalungkot basahin, ngunit mas nakakalungkot at mas nakakaawang tignan ang kanilang mga hitsura na hindi mo na maaninag ang kaamuhan at kagandahan ng kanilang mga mukha dahil sa natatakluban at natatakpan ito ng dungis, putik at dumi na nagtulak sa kanila upang sila'y layuan, iwasan at pandirihan ng ibang tao. Oo, pandirihan ng mga tao!

Nung unang maranasan ko ang makaencounter ng mga Badjao sa dyip, aaminin ko na ako'y nagulat at napatawa. Nasabi ko sa isipan ko na "aba, at talaga rin namang mautak din naman ang mga ito at naniguradong sila'y may malilimos sa loob ng dyip dahil sa marami rin namang tao at pasahero sa loob, at tyak na maraming maaawa at tutulong sa kanila.." Iyon marahil ang nasa isip nila, ngunit 'yung isang nakasakay ko na medyo maedad na, maganda ang damit, bag, mga alahas at talagang nakamake-up pa hindi naman halata sa kanya ang nagtatrabaho sa opisina. Ang sama ng tingin ng babaing ito sa Badjao na animo nakakita ng daga at diring-diri. At tignan mo nga naman ang tadhana, pagtapat ng Badjao sa magarang babaing ito upang bigyan sya ng sobre, ay biglang pumreno ang dyip at sa di inaasahang pagkakataon ay natumba at napakandong ang munting Badjao sa sosyalerang babaing ito. Itinulak ng babae ang badjao at nagsisigaw ng pandidiri dito"ano ba'yan! kadiri naman, ang baho baho..hay na'ko!" at nagpapagpag pa ng suot na damit at kulang nalang ay mag-alcohol sa sobrang pandidiri. Ang kaawa-awang badjao ay nagpatuloy lamang sa ginagawang pamimigay ng sobre at hindi pinansin ang babae, hindi mo makikita sa badjao na sya ay nayurakan, dahil para sa kanya, sya ay isa nang putik at pinandidirihan. Wala syang reaksyon at pakealam dahil ang nais lamang nya ay sya ay tulungan at bigyan ng kaunting baryang magbibigay sakanya ng galak.


Minsan sa ating buhay ay nararanasan natin na tayo'y libakin ng ibang tao, gaano iyon kasakit? ngunit para sa isang badjao, wala na syang pakealam pa dahil sa sanay na sya sa ganung gawain. Marahi 'yun na rin ang nagbibigay daan para sa kanila na sila'y kaawaan ng tao. Sapagkat may mga ibang tao na walang pumapansin sa kanila sa kabila ng mga ilan na nagbibigay sa kanila ng kahit na kaunting barya. Maintindihan naman nila sana kung bakit ang iba ay walang maibigay sa kanila, marahil ang iba ay madamot, kuripot o sadyang mahirap lamang din. Sapagkat ang mga tao sa dyip na kanilang nililimusan ay mga ordinaryong tao lamang din katulad nila, na ang mithiin din lamang ay ang magkaroon ng normal na buhay, makakain ng ilang beses sa loob ng isang araw. Kagaya rin natin ang badjao, mga ordinaryong tao. Sana ay tratuhin natin na parang tao ang mga kagaya nila, naiiba lamang sila sa atin pagdating sa landas ng buhay na tinatahak nila, sapagkat sa pamamalimos nila dinadaan ang kanilang adhikaing magkaroon ng magandang buhay sa halip na nasa eskwelahan sila at nag-aaral. Iyon ang adhikain nila, ang magkaroon ng magandang buhay, adhikaing nais nilang ihatid sa ating mga ordinaryong tao sa dyip na kanilang nililimusan at hinihingian ng tulong. Sayang nga lang dahil kung kaya lang sana nilang umakyat at sumakay sa mga taxi at magagarang sasakyan upang doon mamalimos at humingi ng tulong, di sana'y malaki sana ang maibibigay na tulong sa kanila sapagkat mayayaman ang mga sumasakay sa ganoong mga sasakyan. Ngunit ang tanong ay 'yun nga ba ang gagawin sa kanila? ang sila'y tulungan? o libakin at pintas pintasan lang din...iyan ang hirap sa mga mayayaman, mga nakahiga sa salapi...ginagawang higaan ang kanilang mga pera, iniipon upang waldasin lamang sa mga luho himbis na itulong na lang sa mga mahihirap, mga nangangailangan, gaya ng mga badjao. Maaaring natatamaan ko na rin ang mga taong nakaupo sa ating pamahalaan, mga nakaupong pulitiko na dapat ay tumutulong sa kanila at sa mga mahihirap. Palibhasa sila'y mga mayayaman din na nakahiga lang din sa salapi.


Ngunit ang nakakapanindig-balahibo ay ang kanilang tinig, ang awit ng mga badjao na baon baon nila sa pamamalimos. Sa tuwing napapakinggan ko ang kanilang mga tinig, ay hindi ko maiwasan ang mapapikit habang pumapasok sa aking isipan ang kanilang mga tinig, ang kanilang mga awit na tanging sila lamang ang nakakaintindi at nakakaalam. Na sa araw araw na ginawa ng D'yos ng aking pagpasok sa Skul, sa Dyip ko maririnig ang mga tinig na iyon na kahit mahuhuli na ako sa klase ay hindi ko pa rin maiwasang mapangiti. Marahil ang ipinapahiwatig ng kantang kanilang inaawit ay ang kagandahan ng kanilang kultura, ang kultura ng mga badjao na bukod tangi at atin ring maipagmamalaki. Oo nga't sila'y mahihirap ngunit ang kanila namang kultura'y mayaman, 'yan kanilang tinig..Ang Tinig ng Badjao na sana'y marinig nating lahat, lalo na ng mga nakatataas at mga nakaupo sa gobyerno na nagwawalang-bahala sa kanila, sila na hindi pinapansin ang mga kalagayan nilang mga badjao..Ngunit pasasaan ba't ang kanilang mga tinig ay iigting at maririnig din nating lahat. Nawa'y ang kanilang mga tinig ay umusbong na kahit hindi natin maintindihan ay makikita naman natin at sumasalamin doon ang kayamanan ng kanilang kultura at kagandahan ng puso sa gitna ng kahirapan.


"se-ko ya ma-dam-ot atsa ka sea-te...

aya-w magbe-ga-y ng pis-o..

ilay-lay-lay la la la...

ar-ay a-te masa-ket!

ar-ay ko-ya madam-ot!.."

Saturday, July 14, 2007

How to be a GOOD LEADER

"Anyone who wants to be great among you, must be your servant, and anyone who wants to be first among you must be your slave."
Matthew 20:27-28

It means that if you want to be a leader, you should learn how to follow first, you should also think and look upon your skills if you are qualified to be and last, you should be reminded that being a leader has great responsibility than a simple follower of course. But, by the way, I am not pressuring you about that if you are dreaming to be a leader someday but all that i want is for you to know and understand the characteristics and quailities that a good leader should have.

Anyoine or each of one of us can be a leader, a leader of an institution, a group or even the leader of our country Philippines but i am pertaining to a "Good Leader" that we are wishing and hoping to be the one that will make our country newly industrialized and more progressive one. But what are the characteristics and qualities that a good leader should have? Am I qualified? Can I say that I can be a Good Leader someday? The first characteristics that a good leader should have is the quality of being responsible in everything. aA good leader can make or finish his/her work well if he/she is responsible. Speaking of responsible, the responsibilities of a good leader can be said into three: first, to do your role as a leader, second, to take good care of your people, and last, to serve as a good model to everyone. After knowing the three responsibilities, bear in mind that you should be responsible of that. The second one is to have a self confidence. Self Confidence is one of the quality that a good leader may have. A Leader cannot talk, announce or proclaim in the front of a large number of people if he/she do not possess self-confidence. So you should be confident always don't be shy, be consistent of your position. You should also be loyal and honest those are the third characteristics. Being loyal in your work and in everything will help you make your people trust you. And finally, the fourth characteristic, you should be a good follower of Christ, being a God-centered and God-feared that's the most important. God is always there for you, always watching you, he will never leave you just don't forget to pray and give thank to him.

Just like what I've mentioned about the responsibilities of a Good Leader, the first responsibility is to do your work and your role as a leader, the second one is to take good care of your people of course you should do that, and last is to serve as a model, a good model to everyone. So by doing all of that and by developing with you those characteristics will help you make and qualify yourself as a Good Leader.

This Speech was based on what i have learned on the Leadership Training that I attended ( September 7-8-9 last year at Liceo de Pila Elementary Department, Pila Laguna). The memories, experiences and learnings on that time will still remain here in my heart and i will never forget that, as years goes by....

Informative Speech By:
Jonathan M. Hinagpis
( IV-A St. Rita SY:2006-07 )

Saturday, June 30, 2007

SUCCESS is Achieved one Step at a Time


"Success is a journey not a destination. The doing is usually more important than the outcome. Not everyone can be Number 1."
-Arthur Robert Ashe, Jr.
It is not the final Success that remains in your heart, or brings you satisfaction, it is the day after day dedication and endless belief you have in yourself that endures and continuous to push you on!

But first of all, Success for me can be defined as a person's reflection of all the things he/she did which turned out good and positive. But, to be able to achieve success, we need lots of perseaverance and dedication to whatever craft we're doing. There has to be a gradual implementation of self-discipline. Through that way, a vision will come in our way which in the latter end will make us even happy and contented.


There's no need for us to hurry up, there's no need for us to give up, but there's always an outlook to forward to, to go forth, to end aim high! And the journey you are on now, will lead you to wherever you want to go!



Extemporaneous Speech by:

Jonathan M. Hinagpis
(II-A Sacred Heart of Jesus 2004-05)