Baby, do you understand me now?
Sometimes I feel a little mad..
But don't you know that no one alive,
Can always be an Angel?
When things go wrong, I seem to be bad..
But I'm just a Soul whose intentions good..
Oh Lord, Please don't let me be misunderstood..
Baby, Sometimes I'm so carefree..
With a joy that's hard to hide..
And sometimes it seems that all I have do is worry..
Then you're bound to see my other side..
But I'm just a Soul whose intentions good..
Oh Lord, Please don't let me be misunderstood..
If I seem edgy, I want you to know,
That I never mean to take it out on you..
Life has its problems and I get my share..
And that's one thing I never meant to do,
Because I love you..
Oh, Oh baby, don't you know I'm human,
Have thoughts like any other one..
Sometimes I find myself long regretting..
Some foolish thing, some little simple thing I've done..
But I'm just a Soul whose intentions good..
Oh Lord, Please don't let me be misunderstood..
Yes, I'm just a Soul whose intentions good..

Friday, June 12, 2009
MAKASAYSAYANG CABUYAO
Marahil interesado talaga akong malaman ang mga bagay tungkol sa aking bayan, ang Bayan ng Cabuyao. Kaya naisipan kong basahin ang pagkarami-raming mga photocopies tungkol sa Kasaysayan ng Cabuyao na nagmula pa sa lumang libro na ginagamit ng mga estudyante du'n sa Pamantasan.
Napakahaba pala ng buong kasaysayan ng Cabuyao, Laguna. Magmula pa noong mga panahon ng Kastila, American Era, Japanese Occupation, Liberation period hanggang ngayong kasalukuyan nakatala sa buong kasaysayan ng ating bayan. Marami akong nalaman at natutunan, nalaman ko ang pinagmulan ng pangalan ng Cabuyao, kung sino at kailan ito naitatag, kung sino sino ang mga naging mayor dito at higit sa lahat ay kung ilan at gaano kalaki ang nasasakupan ng bayang ito. Dati pala, ang pangalan ng Cabuyao ay Tabuko, ito ay itinatag ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1571, sa lahat ng bayan ng Laguna ang Cabuyao ay isa sa mga pinakamatatandang bayang naitatag sa buong Pilipinas (idagdag natin ang Bayan ng Liliw at Biñan). Ang bayan ng Tabuko ay binubuo ng mga balangay na ngayon ay tinatawag nang barangay. Ang mga barangay noon ng Tabuko ay ang Barangay Malabanan (na ngayon ay ang Biñan at San Pedro), Sta. Rosa de Lima (na ngayon ay ang Lungsod ng Santa Rosa), Calamba (na ngayon ay isa na ring Lungsod) at Sto. Tomas (isa na ngayong bayan na nasasakupan ng Lalawigan ng Batangas). Akalain mo, ang mga bayan ng Biñan, San Pedro, Sto.Tomas, lungsod ng Calamba at Sta. Rosa ay mga dating barangay lang pala ng Cabuyao? Na ngayon ay mga ganap nang bayan at lungsod. Malaki ang nasasakupan noon ng Cabuyao, ang mga dating barangay na ito ay nasasakop pa noon sa ilalim ng pamamahala ng pamahalaan ng Cabuyao.
Ngunit dumating ang mga panahon na nagkabuklod-buklod na ang mga barangay ng Tabuko, nagkaroon ng kanya kanyang mga pamahalaan at ang mga ito'y unti unting humiwalay sa ilalim ng pamahalaan ng Tabuko. Ang barangay Malabanan ay nahati sa dalawa, ang Biñan at San Pedro na ganap nang naging mga bayan noong 1725. Ang barangay Calamba ay naging bayan noong 1742, maging ang mga barangay Santa Rosa de Lima at Sto. Tomas ay naging mga bayan na rin at humiwalay na sa Tabuko. At ang natitirang lupa na naiwan sa Tabuko ay ang lupain na ngayon ay tinatawag nang Bayan ng Cabuyao.
Talaga nga namang makasaysayan ang naging istorya ng pinagmulan ng bayan ng Cabuyao. Kung iisipin natin ngayon, ang Cabuyao ay napapanggitnaan ng dalawang lungsod (Calamba & Santa Rosa City) na dati ay barangay lamang ng Cabuyao. Masalimuot man ang naging kasaysayan ng ating bayan ngunit makabuluhan pa ding malaman ang kanyang buong Kasaysayan.

Subscribe to:
Posts (Atom)