"Saying goodbye is never an easy thing" isn't it? lalo na kapag ikaw, kasama ng iyong mga kaibigan, kaklase at kabarkada ay kailangan ng magkahiwa-hiwalay ng landas. Syempre gaano kahirap 'yon? sa loob ba naman ng apat na taong pagsasama-sama sa hirap at dusa, sa kalungkutan at ligaya, wow ang drama, hehe, pano nga ba ulit to nagsimula?
Haay, naalala ko dati, bago pa lang kami nagkakakilala, medyo mahiyain pa, bago pa lang nabubuo ang mga tawanan, hanggang sa humantong sa kulitan, at bago pa lamang umuusbong ang aming pagsasama na ngayon ay humantong na sa katapusan. Marami na rin ang aking mga naging karanasan kasama ang aking mga kaibigan sa loob ng apat na taon. Puro tawanan, asaran, kulitan at maging awayan at iyakan. Marami ring dumating na mga problema, ngunit lahat ng 'yan ay kinaya naming lahat, basta't huwag lamang mawawala ang pagkakaisa.
Lahat ng pagsubok ay kaya naming lampasan! 'yan ang pangako at prinsipyo ng 4-A, kaya lahat kami ay nakatanggap ng Diploma, nakagraduate at nakamit ang karangalan. Oh! diba?! Haay talagang napakahirap iwanan ang iyo nang nakagisnan, ang iyong nakagisnang school, teacher, mga classmates and friends at pagsasamang nabuo na sa loob ng maraming taon. Ngunit kailangan syempre, kailangan mo ring iwanan ang iyong highschool life at pumasok ng College, para sa panibagong pakikibaka at pagharap sa panibagong landas ng buhay.
Nung Graduation day namin, lahat kami ay abala sa pag-aayos ng toga, pagpapamake-up at pagpapractice ng mga speeches and everything, wala sa isip namin na iyon na ang huling araw para sa amin na magkakaeskwela pa kami, at sa pagtanggap ng diploma, syempre masaya, pero sa kabila non naghihintay ang bagong buhay at landas na kailangang tahakin patungo sa ikagaganda ng buhay.
"High School Life, Oh my High School Life ay walang kasing saya. Bakit kung Graduation na'y luluha kang talaga?"
Mahirap mang sabihin, ngunit kailangang gawin, "Goodbye High School Life!!"