Friday, June 12, 2009

Please don't let me be Misunderstood

Baby, do you understand me now?
Sometimes I feel a little mad..
But don't you know that no one alive,
Can always be an Angel?
When things go wrong, I seem to be bad..
But I'm just a Soul whose intentions good..
Oh Lord, Please don't let me be misunderstood..

Baby, Sometimes I'm so carefree..
With a joy that's hard to hide..
And sometimes it seems that all I have do is worry..
Then you're bound to see my other side..
But I'm just a Soul whose intentions good..
Oh Lord, Please don't let me be misunderstood..

If I seem edgy, I want you to know,
That I never mean to take it out on you..
Life has its problems and I get my share..
And that's one thing I never meant to do,
Because I love you..
Oh, Oh baby, don't you know I'm human,
Have thoughts like any other one..
Sometimes I find myself long regretting..
Some foolish thing, some little simple thing I've done..
But I'm just a Soul whose intentions good..
Oh Lord, Please don't let me be misunderstood..

Yes, I'm just a Soul whose intentions good..
Oh Lord, Please don't let me be misunderstood..
Yes, I'm just a Soul whose intentions good..
Oh Lord, Please don't let me be misunderstood..

MAKASAYSAYANG CABUYAO

Marahil interesado talaga akong malaman ang mga bagay tungkol sa aking bayan, ang Bayan ng Cabuyao. Kaya naisipan kong basahin ang pagkarami-raming mga photocopies tungkol sa Kasaysayan ng Cabuyao na nagmula pa sa lumang libro na ginagamit ng mga estudyante du'n sa Pamantasan.

Napakahaba pala ng buong kasaysayan ng Cabuyao, Laguna. Magmula pa noong mga panahon ng Kastila, American Era, Japanese Occupation, Liberation period hanggang ngayong kasalukuyan nakatala sa buong kasaysayan ng ating bayan. Marami akong nalaman at natutunan, nalaman ko ang pinagmulan ng pangalan ng Cabuyao, kung sino at kailan ito naitatag, kung sino sino ang mga naging mayor dito at higit sa lahat ay kung ilan at gaano kalaki ang nasasakupan ng bayang ito. Dati pala, ang pangalan ng Cabuyao ay Tabuko, ito ay itinatag ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1571, sa lahat ng bayan ng Laguna ang Cabuyao ay isa sa mga pinakamatatandang bayang naitatag sa buong Pilipinas (idagdag natin ang Bayan ng Liliw at Biñan). Ang bayan ng Tabuko ay binubuo ng mga balangay na ngayon ay tinatawag nang barangay. Ang mga barangay noon ng Tabuko ay ang Barangay Malabanan (na ngayon ay ang Biñan at San Pedro), Sta. Rosa de Lima (na ngayon ay ang Lungsod ng Santa Rosa), Calamba (na ngayon ay isa na ring Lungsod) at Sto. Tomas (isa na ngayong bayan na nasasakupan ng Lalawigan ng Batangas). Akalain mo, ang mga bayan ng Biñan, San Pedro, Sto.Tomas, lungsod ng Calamba at Sta. Rosa ay mga dating barangay lang pala ng Cabuyao? Na ngayon ay mga ganap nang bayan at lungsod. Malaki ang nasasakupan noon ng Cabuyao, ang mga dating barangay na ito ay nasasakop pa noon sa ilalim ng pamamahala ng pamahalaan ng Cabuyao.

Ngunit dumating ang mga panahon na nagkabuklod-buklod na ang mga barangay ng Tabuko, nagkaroon ng kanya kanyang mga pamahalaan at ang mga ito'y unti unting humiwalay sa ilalim ng pamahalaan ng Tabuko. Ang barangay Malabanan ay nahati sa dalawa, ang Biñan at San Pedro na ganap nang naging mga bayan noong 1725. Ang barangay Calamba ay naging bayan noong 1742, maging ang mga barangay Santa Rosa de Lima at Sto. Tomas ay naging mga bayan na rin at humiwalay na sa Tabuko. At ang natitirang lupa na naiwan sa Tabuko ay ang lupain na ngayon ay tinatawag nang Bayan ng Cabuyao.

Talaga nga namang makasaysayan ang naging istorya ng pinagmulan ng bayan ng Cabuyao. Kung iisipin natin ngayon, ang Cabuyao ay napapanggitnaan ng dalawang lungsod (Calamba & Santa Rosa City) na dati ay barangay lamang ng Cabuyao. Masalimuot man ang naging kasaysayan ng ating bayan ngunit makabuluhan pa ding malaman ang kanyang buong Kasaysayan.

Sunday, June 7, 2009

*****Y ko..

Linggo ang para sa aki'y pinakaespesyal na araw,
ang araw kung kelan kita'y aking muling matatanaw..
Sabik na makausap ka at makasama man lang..
Pagkat ang laging nasa isipan ko'y ikaw lamang..

Noong una'y simpleng tao ka lamang sabi ng isipan..
Ngunit ngayon bakit ikaw ang lagi niyang laman?
Ordinaryong taong dati'y nilalampas-lampasan..
Ngunit ngayon, kapag hindi ka nakita'y kalungkutan..

Iyong angking ka-cute-an dati'y di ko pansin..
Ngunit, noong ako'y iyong nginitian.. ako'y naalipin..
Bakit noong tayo'y nagkalapit,
ang iyong bango, maamong mukha, malamyang boses sa isipa'y kumapit?

Naman! Nangitian lamang, gumawa na ng kahulugan..
Ang aking isipan, iba ang nakukutuban..
Puso ko'y biglang may naramdaman..
Nakow! Ako'y mahuhulog na ata sa'yo ng tuluyan..

Ang iyong ngiting tumatak na sa isipan..
Aking hinahanap-hanap at nais pang makamtan..
Kaya't ako'y gumawa ng lahat ng paraan..
Makasalubong ka lamang upang muling mangitian..

Oh pag-ibig nga ba ito?
O puppy love kagaya ng dati ko?
Ipinangako ko sa sarili kong ito ay totoo..
Ikaw na ang maninirahan dito sa puso ko..

Bakit di ako mapakali sa'yo?
Lahat ay gustong malaman, basta tungkol sa'yo..
Maging lakas ng loob pinuhunan ko..
Upang ipagtanong at malaman lang ang pangalan mo..

******? Ok! Hehe.. ang gandang pangalan..
Tignan mo nga naman, pareho pa ang letra ng ating pangalan sa unahan..
"J" I really love that letter, actually..
Just like you, my cutest ******y..

Ang cute cute mo talaga!
Pinakamaamong mukha ay nasa iyo na..
Kaso nga lang kayumanggi ka..
Pero ang boses mo'y kay sarap sa tenga..

Ako'y naaasar pag may kausap kang iba..
Irap ang makikita mo sa aking mga mata..
Ang hirap naman kasi, malayo ang pwesto ko sa'yo..
Humanda ka sa'kin, pag lumapit na ako! :)

Eto na, magkasama na tayo..
Kunwari, di ako interesado sa'yo..
Pero pag ako kinausap mo..
OMG! Tumatalon ang puso ko..

May 24 yun, nung una tayong magkasama..
Oh tignan mo, tanda ko pa!
Marami tayo nong magkakasama..
Pero kahapon, June 07, tayo lang dalawa..

Sabi mo pa nga, magpapasukan na..
Sabi ko, Ako sa isang linggo pa..
3rd yr ka na pala, 3rd yr na din ako!
Kaso highschool ka, college naman ako :(

Kakalungkot na, maghihiwalay na naman tayo..
Hanggang pag uwi ika'y tinatanaw tanaw ko..
Anim na araw na naman ang hihintayin ko..
Upang magkita't magkasama muli tayo..

Bilisan mo, dumating ka na! Araw ng Linggo..
Ang tanging araw na pinakahihintay ko..
Yehey! Magkikita muli tayo! Natutuwa na ako..
Kahit alam kong hanggang silay lang ako sa'yo..

Friends lang tayo, di'ba? Oo!
Dahil imposible talaga na maging tayo..
Sana tumagal pa ang pagsasama natin..
Lumalim man ang aking damdamin, basta tingin ko sa'yo'y friend pa din..

Monday, May 25, 2009

A Letter to a Wikipedian Friend

May 24, 2009

Hi (I will not mention HIS username),

I AM into editing and updating articles about [[Cabuyao, Laguna]].

How am I able to put some [[inline citations]] to that page? In order for YOU not to put tags on it, tagging more/no footnotes, very long and whatever.

I swear that I'm not creating and inventing my own words and information about that article, I have lots of sources proving that all of the informations I put there are all true and verifiable. I know that you are wandering, wandering about all the information I always keep on putting there. But I'm just amateur, a beginner in Wikipedia, who just wants the goodness of my hometown's article.

So please, I'm in need of your help.. Please help me to improve my skills in editing Cabuyao, Laguna's article. I know that it's too long.. Please help me summarize it but not into deleting what I have done. I know that it has no footnotes and in need of inline citations, but I don't know what will and should I do..

You, as an intelligent and expert Wikipedian, I repeat, I'm in need of your Big Help, so please help me..

Again, my intention of editing that article, without considering that I'm just a beginner, is the goodness and improvement of my Hometown's (Cabuyao, Laguna) article, and nothing bad and wrong is my intent..

Thank You very much friend.. (I called you friend -even without introducing first myself- because we're both Wikipedian.. I know that we can be good friends someday)

Sincerely yours,

[[Othanwiki2009]] of [[Mamatid|Brgy. Mamatid]], [[Cabuyao, Laguna]]

I'm a New Soul

I'm a New Soul
I came to this strange world
Hoping I could learn a bit 'bout how to give and take
But since I came here, felt the joy and the fear
Finding myself making every possible mistake.

See I'm a young soul in this very strange world
Hoping I could learn a bit 'bout what is true and fake
But why all this hate? Try to communicate
Finding trust and love is not always easy to make.

This is a happy end
Come and give me your hand
I'll take you far away
I'm a New Soul
I came to this strange world
Hoping I could learn a bit 'bout how to give and take
But since I came here, felt the joy and the fear
Finding myself making every possible mistake.

New Soul..
In this very strange world..
Every possible mistake
Possible mistake
Every possible mistake
Mistakes, mistakes, mistakes...

Saturday, May 23, 2009

EBest

Ngayong panahon ng bakasyon, tiyak na tanghali na naman ako lagi kung gumising, at ang nagpapagising sa akin ay ang ingay na dulot ng mga magda-dabarkadz sa T.V., syempre walang iba kundi ang Eat Bulaga! Matagal na talaga ang best noon time show na iyon in Philippine Television, magte-thirty years na ang kulitan, kantahan, at kasiyahanng kanilang idinudulot sa halos araw-araw nating panananghalian. Sa likod ng tatlong dekadang pamamayagpag ng Eat Bulaga, ay naroroon ang kanilang hangaring makapagbigay pa ng kasiyahan at kaligayahan sa lahat ng tao, lalong lalo na sa mga bata. At bilang panimula ng kanilang mga surpresang ihahandog sa kanilang ika-tatlumpung taon, inihahandog ng Eat Bulaga ang EBest o ang Eat Bulaga's Best Student Awardee, kung saan kaalinsabay ng taon na kanilang pamamayani sa atin, tatlumpu din na mga estudyante ang kanilang sinaliksik sa bawat sulok ng bansa upang mahandugan ng nasabing karangalan. EB's Best Student Awardee, karangalan na handog ng Eat Bulaga sa mga batang kasalukuyang nakapagtapos ng Elementarya na may nakamit na karangalan, na sa kabila ng iba't ibang suliranin at kahirapan sa buhay, ay hindi inalintana sa pag-asang makapagtapos ng pag-aaral. Sa bawat araw ay isa-isang mga bata ang kanilang i-f-in-i-feature na mula sa iba't ibang probinsya at bayan sa Pilipinas, ipinapakita ang kanilang kalagayan ng pamumuhay, kasabay ng mga salitang kanilang binibigkas na punumpuno ng pag-asa at makapagbibigay ng inspirasyon sa mga katulad nilang naghihirap ngunit nakapagkamit ng karalangan, ang Edukasyon. May ilan sa kanilang hindi alintana ang layo ng nilalakad makarating lamang sa paaralan, mga batang walang sariling sapatos at nanghihiram lamang maging sa araw ang pagtatapos, mayroong isang nakatsinelas lang kung pumasok, ngunit lahat ng yan ay nakapagtapos dala ang pagiging isang valedictorian, salutatorian o First-Honorable man. Mga batang hindi hadlang ang kahirapan ng pamumuhay, may isa na ang pinagkakaabalahan pagkatapos ng klase bukod sa pag-aaral ay ang pagtulong sa ina na magtinda ng gulay, may batang sa may tulay man nakatira ngunit hindi hadlang upang maging isang valedictorian. Gasera man ang nagbibigay liwanag sa pag-aaral, nagdulot naman ito ng isang napakalaking karangalan sa kanyang ina ang pagiging isang valedictorian. Dala ng tatlumpung mga batang ito ang istorya ng kahirapan sa kabila ng karangalang kanilang natamo. Magmula man sa Luzon, Visayas o Mindanao, iba't iba man ang kanilang lugar ngunit iisa ang kanilang hangarin, na ang tanging Edukasyon lamang ang magdadala sa kanila sa kaginhawahan ng buhay.

"Ang edukasyon ang aking magiging daan tungo sa kaginhawahan", "Ang kahirapan ay hindi hadlang upang makapagkamit ng karangalan", "Ang edukasyon ay napakahalaga sapagkat kelanman ay hindi ito mananakaw" mga salitang kanilang binitawan na naging baon nila sa ilang taong pag-aaral, mga salitang nagdulot sa kanilang magpursigi at makapagtapos ng pag-aaral, mga salitang makapagbibigay inspirasyon sa bawat makakarinig na makapagbibigay kaliwanagan sa kahalagahan ng Edukasyon.

Tunay ngang napakahalaga ng Edukasyon, maging ako, hindi ako mahihiyang banggitin dito na sa bawat tanghaling panonood ko ng Eat Bulaga, bukod sa tumawa ay umiiyak din ako sa tuwing aabangan at papanoorin ko ang EBest. Sa bawat kwento ang pakikibaka at tagumpay ng mga bata, sa mga salitang namutawi sa kanilang mga bibig, tunay ngang na-inspire at humanga ako sa kanila. Di ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko sa tuwing papanoorin ko ang bata na i-f-i-feature ng EBest, sa bagong kwento at salitang kanilang babanggitin. Luha na ang dahilan ay awa sa kanilang kalagayan, at maging luha ng kasiyahan para sa kanila na nagtagumpay sa gitna ng pagsubok ng buhay. Nakakatuwa para sa akin, ang kanilang tagumpay ng pagkakamit ng karangalang kanilang pinaghirapan. Tunay na nakapagpaluha sa akin ang kanilang makainspirasyong buhay. Maaaring naka-relate man ako sa kanila ng bahagya, pero mas hanga pa rin ako sa tibay at hangarin nila na makapagkamit ng ganitong karangalan. Nasa elementarya pa lamang sila ramdam na nila ang bagsik ng buhay, naalala ko tuloy noong mga panahon na nasa kalagayan nila ako, hindi ko alintana ang kahalagahan ng Edukasyon, mayroon nga akong kumpletong gamit, sapatos at baon sa araw-araw ngunit wala naman sa akin ang hangaring makapagkamit ng karangalang kanilang natamo. Tunay na sila'y mga modelo ng kabataan ngayon na sana'y dumami pa. Alam kong sila'y may mararating, nasa unang level pa lamang sila at marami pang mga darating na pagsubok sa kanilang buhay, na kung ipagpapatuloy lamang nila ang kanilang prinsipyo, tiyak magtatagumpay muling sila. Nawa'y lahat ng kabataan ay maging katulad nila, mga EBest Awardees.

May 23, 2009, espesyal na araw ng Sabado para sa tatlumpung EBest Awardees. Ang araw kung kailan iginawad sa kanila ang plaka na nagpapatunay na sila'y mga EBest Awardees, mga natatanging bata ng Eat Bulaga. Isa-isa silang tinawag, sa likod ay ang kanilang mga magulang, iginawad nina Tito, Vic at Joey ang mga plakang karapat dapat lamang makamit ng tatlumpung bata. Kasabay ng pag-awit nina Gary V., Dulce, Din-din Llarena ng mga awiting nakapagbibigay inspirasyon. Muli na namang lumuha ang mga mata ko at nakita ko na naman silang lahat, ngunit luha na ito ng tuwa at ligaya ng makita ko ang mga ngiti sa kanilang mga mukha sa pagkakamit ng maraming surpresa mula sa Eat Bulaga. Bukod sa plaka, ang mga batang ito ay nagkamit din ng kumpletong mga school supplies, at damit kagaya ng sapatos..

Friday, May 22, 2009

It's been a long time..

It's nice to be back here in Blogger! Whoa, for a long period of time, I'm here again updating and editing my previous posts and posting new blogs.. It's been a long time since my last blog was posted here, actually it's not yet finished as you can see the next article next to this, it was a story I'd created based on one of my favorite songs of the band "Heart". It is written in Tagalog since it was a project I'm forced to submit in order for my grade's sake. You know what? It is categorized as Maikling Kwento but that story was not short actually, some of my groupmates asked me if I was supposed to do a novel while I was writing it, but I answered them kiddingly "it has no chapters that's why it cannot be categorized as a novel, just pretend that it is short though it's not.." I was then cramming because the date of submission is coming but the story was not yet finished (I didn't know actually how to finish that story that time) so I'd posted it here unfinished. When all of our stories were about to print, I'd told our leader that my story is posted here so she will be the one to copy it to be printed, it is because it was not finished yet, I hurrily finished it by writing the finishing part on a separate sheet of paper and gave it to our leader for her to include, finish and print. But sadly, I didn't have time to post the last part here, because when she returned to me the paper that includes the last part, it's missing, I can't remember where I had put it, that's why that story is remained unfinished from the time it was posted. That's the story behind the unfinished story of mine, how sad.

Actually, this article is not all about that unfinished story. I just include all about that story to make this article long (laughing). By the way, I'm back! but nobody here in the site welcomes me, just kidding. For a long time of interval from my last post up to my newest post, I'd really missed a lot, things, happenings, news, articles, trivias, stories and other features that I can share and make an article about to be posted here. I had have things in my mind like stories and articles to share about by posting here but they're all remained drafts, nothing is shared, nothing is posted.

But now that I'm back, I will try to recall all those things in my mind and I will post them here. I will now continue posting blogs, writing articles, and sharing stories here. I will keep everything here be updated, I will not promise but I'll do everything for it.