Tuesday, September 11, 2012

A CRAZY LITTLE FEELING CALLED BITTERNESS. TOINK

"These dreams go on when I close my eyes...

Every second of the night I live another life.

These dreams that sleep when it's cold outside...

Every moment I'm awake the further I'm away..

(Further I'm away).."

---malungkot ako, madami akong naiisip. Kung anu-ano. 'Di ako mapakali, kahapon pa. Alam nyo ba kung ano ang nagpapabagabag sa isip ko? --SIYA :)

September 9, 2012, 3:30 PM, andami-dami kasing movie na pwedeng magkaroon ang CP ng Tita ko, bakit 'A Crazy Little Thing Called Love' pa? Dati ko pa naririnig ang movie na 'yan. Sige, pinasa ko sa CP ko, mapanood nga, mukhang maganda. Tumingin ako sa orasan, 4:00 PM na pala, ok lang, 5:00 PM pa naman ako pupunta kina Love. Humiga ako sa sofa at pinanood ko na 'yung movie, korean, pero tagalized na. Unang pinakita 'yung mukha ng lalaking bida, 'Sino 'yun? Ang gwapo ah' -komento ni Mama, nakatingin pala sa CP ko. Naka-headset ako, kunwari 'di ko sya naririnig :) Gwapo talaga 'yung guy, maputi, ang cute ng eyes, nose, lips, teeth, kilay, hair, lahat cute! Medyo payat nga lang. :) Nagkukuwento sya, hanggang sa pinakita na ang nangyari noong simula. Noong mga bata pa sila at nag-aaral.

May apat na batang babae, mga hindi naman sila kagandahan. Puro mga boys ang pinag-uusapan nila. Si Nam, 'yung bidang babae, sya ang may crush kay Shone, 'yung bidang lalaki na guwapo. Lahat ay ginawa ni Nam mapansin lang sya nung guy. Naka-relate tuloy ako, naalala ko nung Highschool student palang ako. Ganyang-ganyan ako, promise. Toink. Madaming mga nakakakilig na scenes. Lalo na kapag napapansin ni Shone 'yung mga ginagawa ni Nam. Masarap talaga sa feeling kapag napapansin tayo ng taong crush natin noh? Isa 'yun sa mga masasarap na feeling sa mundo. Kahit ako, I remember when I was in highschool (or even in College :)), lahat ginagawa ko din mapansin lang ako ng taong crush ko. Hndi lang sumisigaw ang puso ko kapag kausap ko sya, tumatalon din ito ako sa tuwing napapansin nya ako, kakilig talaga.

Mula sa isang simpleng bata, mula sa isang pangit, naging blooming si Nam, gumanda sya at napansin sya ng lahat, sa tulong ng kanyang kalog at kwelang English Teacher na si Teacher Inn naging abala sya sa mga activities sa school like Play, maging isang magaling na Drum Major, sumikat sya dahil na rin sa pagsisikap nya na mapansin sya ng Crush nya--si Shone :) May nagkagusto sa kanya at malas nya dahil bestfriend ni Shone ung nagkagusto sakanya. 'Yung feeling na naging sila ng bestfriend ng crush niya? Waaaaah. Ayoko na'ng ikuwento dito, alam ko naman na alam nyo na 'yang story na 'yan. Ako na naman ang huli? Ang ganda talaga ng story.. parang bitin. pero happy ending naman.. kahit 9years nilang tiniis ang bawat isa. naasar ako.. di ko na makalimutan 'yung story.. Ako kasi 'yung tao na kapag naka-relate emotionally sa mga story or movie, matagal bago ako maka-recover. Hindi talaga ako mkarecover..

5:30 PM na ako nakapunta kina Lovelyn, nandun na din si Joan, kinuwento ko 'yung napanood ko, sabi nya matagal na daw ang movie na 'yun.. at nandito nga daw sa Pilipinas 'yung bidang lalaki--si Mario Maurer! Gosh.. Bakit ngayon ko lang napanood 'yung movie na un? Lagi nalang ako'ng huli. Sabagay, sa channel 2 kasi pinalabas kaya 'di ko talaga mapapanood.

Kahit sa office, 'yung movie pa din ang nasa isip ko. Todo search ako sa net. June 2011 pa pala pinalabas dito sa Pilipinas 'yun.. Grabe lampas 1 year na pala.. at my upcoming movie pala si Mario dito sa Pinas, si Erich ang partner nya. Can't wait for that movie! In-add ko si Mario sa FB, Twitter.. Hala na-adik na ata ako sakanya.. Haist.. 'di na sya nawala sa isip ko :(  Kasi ba naman kahit saang anggulo ang gwapo nya.. 'di nakakasawang pagmasdan ang mukha nya.. agree? toink.. Anyway, Thai actor pala sya, akala ko korean. Gusto ko na tuloy makarating ng Bangkok. Toink

Hanggang ngayon dito sa van pauwi ng Laguna, malulungkot na naman ako.. ang lakas pa ng ulan. Naaalala ko na naman ung movie.. ma-i-inlove na naman ako.. Hmp.. Kelan ko ba huling naramdaman 'to? Hay.. makaka-recover din ako.. Isipin ko nalang kahit nasa Thailand SIYA (or sila), iisa pa din ang ang araw na hinihintay natin sa umaga, at iisa pa din ang buwan na pinagmamasdan natin sa gabi. Smile :)