Saturday, March 8, 2014

“KAYA KO ‘TO! SA PERSONAL COLLECTION”



Great Life Good Morning mga ka-PC!

Una sa lahat gusto ko munang batiin ng Congratulations ang aking mga kapwa-FAM (Franchise Associate Manager) na g-um-raduate ngayon. Congratulations po sa ating lahat.

Pinasasalamatan ko, una, ang nag-recruit sa akin, walang iba kundi ang aking bestfriend na si Fey, na ngayon ay pareho na kaming FAM at sabay pa kaming g-um-raduate ngayon. Sya po ang nagpakilala sa akin ng Personal Collection at kung hindi dahil sa kanya ay wala po ako ngayon dito. Pangalawa, pinasasalamatan ko po ang aking Mother FAM na si Ma’am Pamela at ang aking Mother MD na si Ma’am Rina, na nagtiyagang i-text ako araw-araw, nag-bigay ng advices sa akin, tumulong, gumabay at tumulak sa akin para marating ko ngayon ang pagiging isang FAM. Salamat po sa tiwala at sa lakas ng loob na ibinigay nyo po sa akin. At syempre, pang-huli, nagpapasalamat po ako sa ating Panginoon na may gawa ng lahat ng bagay. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na gumabay sa akin sa lahat ng oras, sa totoo lang po masyado akong busy sa trabaho, simbahan at sa school, nag-aaral po kasi ulit ako, wala po talaga ako’ng time magpunta dito sa branch kundi every Saturday lang, pero tinulungan at ginabayan po ako ng Panginoon para makapag-recruit hanggang sa ma-promote.

Tunay nga po na lahat ng mga magagandang bagay na nangyayari sa ating buhay ay masarap sa pakiramdam, ‘di ba po? Kagaya ngayon na na-promote po tayo at ganap na tayo’ng mga FAMs, masaya at masarap sa pakiramdam. Ngunit ang kasiyahang ito ay may kaakibat na paghihirap.

Katulad ng isang hinog na mangga, ang hinog na mangga ay matamis at masarap. Pero hindi po natin hihintayin na mahulog ang hinog na mangga mula sa puno nito, bagkus, paghihirapan natin na akyatin ang puno upang makuha at mapitas ang matamis na mangga. Kagaya dito sa Personal Collection, bago natin narating ang posisyong ito, naghirap, nagtiyaga, nagsipag at nagsumikap tayo upang makamit ang matamis na bungang ito na ating natanggap ngayon.

Ang pagiging isang FAM nawa ay huwag lang nating namnamin bilang isang masarap na tagumpay, sapagkat ito’y simula pa lang ng ating paglalakbay dito sa Personal Collection, nawa’y magsilbing hamon sa atin ang pagiging isang FAM para makamit ang susunod na level, which is ang pagiging isang FD o Franchise Director. Kung ano’ng effort ang ating ibinuhos para maging FAM, i-times five po natin, para makamit natin ang pagiging FD.

Hindi ko po alam kung mararating ko pa po iyon. Pero, sabi nga sa Anthem ng Personal Collection, “Kaya ko ‘to!” kaya kakayakin ko ‘to, kakayanin natin ito. Kayang-kaya natin ‘to sa Personal Collection!

At kung ipahihintulot ng Panginoon, sa tulong niya, ang lahat ng bagay ay aking magagawa.

Salamat po at magandang umaga!

 

Graduation Speech by:

 

Jonathan m. hinagpis
Franchise Associate Manager
Personal Collection Direct Selling Inc.
Calamba Branch