Tuesday, August 26, 2014

My personal message of condolences...

My deepest condolences to the Family and friends of Sean Rodney. Sa totoo lang po, hindi po kami magkakilala. I'm from Laguna at nabalitaan ko lang din po ang nangyari sa kanya. Kagaya din po ng iba, simula ng mapanood ko po ang nangyaring trahedya sa balita, nag-research din po ako sa mga taong nasawi, at isa na po doon si Sean Rodney. Simula ng mabasa ko ang mga comments sa FB nya, nababatid ko na napakabuting tao nya, mabait na anak, mapagmahal na kaibigan. Kaya lubus-lubo...s din po ang panghihinayang ko sa pagkawala nya. Ilang araw na din po akong malungkot, ilang beses ko din inabangan sa balita ang update tungkol sakanya, sa tuwing gigising ako sa umaga, naaalala ko ang nangyari sa kanya, minsan hindi din ako makakain, hindi ko po alam kung bakit apektado ako sa nangyari sa kanya, marahil narararamdaman ko na napakabuti nyang tao at maraming nagmamahal sa kanya. Naisip ko din na kung may kapangyarihan lang ako na maibalik ang panahon, gagawin ko. Sana buhay ka pa ngayon. Naiisip ko nga, kung ako nga na hindi nya kakilala labis labis ang lungkot at panghihinayang, papano pa kaya ang mga magulang nya? kapatid? kamag-anak at mga kaibigan? Siguro kung isa ako sa kanila, hindi ko kakayanin Hindi man tayo nagkakilala, pero I know magmi-meet pa din tayo pagdating ng panahon, nasa Langit ka na. I know sa maigsing panahon na nabuhay ka, nabuhay ka na masaya at fulfilled ang naging buhay mo. Kahit madami kapa sanang magagawa at mararanasan sa mundo, siguro kinuha ka na ni Lord dahil mas kailangan ka nya sa taas. Gabayan mo nalang ang pamilya mo dahil palagi kang nasa puso nila. Napagisipan ko din na puntahan ka, kaso hindi ko alam kung papaano at kung saan. Ngayon ko lang nalaman na nung Saturday ka pala inilibing, sayang hindi ako nakapunta. Kaya pala nung Sabado, magseserve sana ako sa libing ng isang patay sa simbahan namin, kaso umulan ng malakas, hindi na sana ako tutuloy, pero naisip ko na baka ikaw ang ililibing, kaya nag-serve ako that time kahit kumiklidlat. Ngayon alam ko na Libing mo na pala that day. Salamat sa grupo na ito, sa mga nabasa ko sa mga posts dito, iyak ako ng iyak, huling iyak ko ay nung nanood ako ng Miracle in Cell No. 7. Alam ko masaya kana sa itaas, ang haba na pala ng post ko. Masaya na din ako kasi nlaman ko na hindi lang pala ako ang nagkakaganito, kasi madami kami Ngayong National Heroes Month, ikaw ang BAYANI ko ‪#‎HEROdney‬ Rest in peace kaibigan See you soon:)


Saturday, March 8, 2014

“KAYA KO ‘TO! SA PERSONAL COLLECTION”



Great Life Good Morning mga ka-PC!

Una sa lahat gusto ko munang batiin ng Congratulations ang aking mga kapwa-FAM (Franchise Associate Manager) na g-um-raduate ngayon. Congratulations po sa ating lahat.

Pinasasalamatan ko, una, ang nag-recruit sa akin, walang iba kundi ang aking bestfriend na si Fey, na ngayon ay pareho na kaming FAM at sabay pa kaming g-um-raduate ngayon. Sya po ang nagpakilala sa akin ng Personal Collection at kung hindi dahil sa kanya ay wala po ako ngayon dito. Pangalawa, pinasasalamatan ko po ang aking Mother FAM na si Ma’am Pamela at ang aking Mother MD na si Ma’am Rina, na nagtiyagang i-text ako araw-araw, nag-bigay ng advices sa akin, tumulong, gumabay at tumulak sa akin para marating ko ngayon ang pagiging isang FAM. Salamat po sa tiwala at sa lakas ng loob na ibinigay nyo po sa akin. At syempre, pang-huli, nagpapasalamat po ako sa ating Panginoon na may gawa ng lahat ng bagay. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na gumabay sa akin sa lahat ng oras, sa totoo lang po masyado akong busy sa trabaho, simbahan at sa school, nag-aaral po kasi ulit ako, wala po talaga ako’ng time magpunta dito sa branch kundi every Saturday lang, pero tinulungan at ginabayan po ako ng Panginoon para makapag-recruit hanggang sa ma-promote.

Tunay nga po na lahat ng mga magagandang bagay na nangyayari sa ating buhay ay masarap sa pakiramdam, ‘di ba po? Kagaya ngayon na na-promote po tayo at ganap na tayo’ng mga FAMs, masaya at masarap sa pakiramdam. Ngunit ang kasiyahang ito ay may kaakibat na paghihirap.

Katulad ng isang hinog na mangga, ang hinog na mangga ay matamis at masarap. Pero hindi po natin hihintayin na mahulog ang hinog na mangga mula sa puno nito, bagkus, paghihirapan natin na akyatin ang puno upang makuha at mapitas ang matamis na mangga. Kagaya dito sa Personal Collection, bago natin narating ang posisyong ito, naghirap, nagtiyaga, nagsipag at nagsumikap tayo upang makamit ang matamis na bungang ito na ating natanggap ngayon.

Ang pagiging isang FAM nawa ay huwag lang nating namnamin bilang isang masarap na tagumpay, sapagkat ito’y simula pa lang ng ating paglalakbay dito sa Personal Collection, nawa’y magsilbing hamon sa atin ang pagiging isang FAM para makamit ang susunod na level, which is ang pagiging isang FD o Franchise Director. Kung ano’ng effort ang ating ibinuhos para maging FAM, i-times five po natin, para makamit natin ang pagiging FD.

Hindi ko po alam kung mararating ko pa po iyon. Pero, sabi nga sa Anthem ng Personal Collection, “Kaya ko ‘to!” kaya kakayakin ko ‘to, kakayanin natin ito. Kayang-kaya natin ‘to sa Personal Collection!

At kung ipahihintulot ng Panginoon, sa tulong niya, ang lahat ng bagay ay aking magagawa.

Salamat po at magandang umaga!

 

Graduation Speech by:

 

Jonathan m. hinagpis
Franchise Associate Manager
Personal Collection Direct Selling Inc.
Calamba Branch

Wednesday, November 20, 2013

MPA @ PUP (After two looong years!)

After two looong years. I'm baaack! After two looong years nasambit ko ulit kay manong driver ang, "PUP lang po, ESTUDYANTE (nag-aaral ng mabute)" LOLZ. After two looong years, two pesos lang pala ang itinaas ng pasahe sa Jeep. After two looong years, estudyante na naman ako!

I'm currently studying Master in Public Administration, huwag mo ng itanong kung bakit!


WalterMart Cabuyao Interior













Tuesday, November 19, 2013

Walter Mart Cabuyao

Welcome to Walter Mart Cabuyao! The 19th Walter Mart Community Mall in the Philippines and first of its kind in the City. It is located at National Highway, Banlic, Cabuyao City, Laguna.