My deepest condolences to the Family and friends of Sean Rodney. Sa
totoo lang po, hindi po kami magkakilala. I'm from Laguna at nabalitaan
ko lang din po ang nangyari sa kanya. Kagaya din po ng iba, simula ng
mapanood ko po ang nangyaring trahedya sa balita, nag-research din po
ako sa mga taong nasawi, at isa na po doon si Sean Rodney. Simula ng
mabasa ko ang mga comments sa FB nya, nababatid ko na napakabuting tao
nya, mabait na anak, mapagmahal na kaibigan. Kaya lubus-lubo...s
din po ang panghihinayang ko sa pagkawala nya. Ilang araw na din po
akong malungkot, ilang beses ko din inabangan sa balita ang update
tungkol sakanya, sa tuwing gigising ako sa umaga, naaalala ko ang
nangyari sa kanya, minsan hindi din ako makakain, hindi ko po alam kung
bakit apektado ako sa nangyari sa kanya, marahil narararamdaman ko na
napakabuti nyang tao at maraming nagmamahal sa kanya. Naisip ko din na
kung may kapangyarihan lang ako na maibalik ang panahon, gagawin ko.
Sana buhay ka pa ngayon. Naiisip ko nga, kung ako nga na hindi nya
kakilala labis labis ang lungkot at panghihinayang, papano pa kaya ang
mga magulang nya? kapatid? kamag-anak at mga kaibigan? Siguro kung isa
ako sa kanila, hindi ko kakayanin Hindi man tayo nagkakilala, pero I
know magmi-meet pa din tayo pagdating ng panahon, nasa Langit ka na. I
know sa maigsing panahon na nabuhay ka, nabuhay ka na masaya at
fulfilled ang naging buhay mo. Kahit madami kapa sanang magagawa at
mararanasan sa mundo, siguro kinuha ka na ni Lord dahil mas kailangan ka
nya sa taas. Gabayan mo nalang ang pamilya mo dahil palagi kang nasa
puso nila. Napagisipan ko din na puntahan ka, kaso hindi ko alam kung
papaano at kung saan. Ngayon ko lang nalaman na nung Saturday ka pala
inilibing, sayang hindi ako nakapunta. Kaya pala nung Sabado, magseserve
sana ako sa libing ng isang patay sa simbahan namin, kaso umulan ng
malakas, hindi na sana ako tutuloy, pero naisip ko na baka ikaw ang
ililibing, kaya nag-serve ako that time kahit kumiklidlat. Ngayon alam
ko na Libing mo na pala that day. Salamat sa grupo na ito, sa mga
nabasa ko sa mga posts dito, iyak ako ng iyak, huling iyak ko ay nung
nanood ako ng Miracle in Cell No. 7. Alam ko masaya kana sa itaas, ang
haba na pala ng post ko. Masaya na din ako kasi nlaman ko na hindi lang
pala ako ang nagkakaganito, kasi madami kami Ngayong National Heroes
Month, ikaw ang BAYANI ko #HEROdney Rest in peace kaibigan See you soon:)
No comments:
Post a Comment