JONATHAN MANANGKIL MERCADO HINAGPIS yan ang buo kong pangalan, syempre mahaba. Ipinanganak ako nung December 05, 1990. Sabi ni mama noon daw ako'y ipapanganak na, december 04 pa nun mga 11:00 palang ng gabi, naglalaro daw sya nun ng brick game (bago pa lang daw yon nauuso non!) nang bigla nang sumakit ang kanyang tyan, hanggang sa ayun pagkatapos ng mahigit dalwang oras (December 05, 1990 1:00 am) nasilayan ko na ang mundong ibabaw. Ipinanganak ako sa Gulod, Cabuyao, Laguna, that's why I'm pure Cabuyeno Lagunense! doon pa kami dati nakatira sa bahay ng mga lola ko (mother side). At, makalipas lang din ng mga ilang buwan, lumipat na kami sa Mamatid dun naman sa tabi rin ng mga lola ko sa father side naman. Kaso medyo minalas kasi pumutok noon ang Bulkang Pinatubo (1991) wala pa kong isang taon non!!
Sa Mamatid na rin ako lumaki at nagkaisip, hanggang sa pumasok na ako ng Day Care hanggang Grade 6. Lumaki ako sa Mamatid ng walang kinikilalang Lolo (sa father side) kasi sabi ng Nanay ko ("Nanay" ang nakasanayan kong tawag sa mga Lola ko both) bago pa lang daw nagkakakilala si Mama at Papa non ng mamatay ang Lolo ko dahil sa isang malubhang sakit, kaya isa lang ang Lolo na kinikilala ko sa side ng aking Mama doon sa gulod.
Ako ay nakapagtapos ng Elementarya sa Mamatid Elementary School, wala pa sa isip ko non ang pag-aaral ng mabuti dahil hindi pa ako nakakaranas ng hirap ng mga panahong yon na magtutulak sa akin upang mag aral ng mabuti. Masaya rin naman ang aking mga magulang noong Graduation ko nung Grade 6 dahil kahit papaano ay mayroon akong sabit na apat na ribbon bilang huwarang bata.
Malayu-layo na rin ang aking nararating. Matapos ang apat na taong pakikibaka, nakatapos na rin ako ng High School sa Liceo de Mamatid. Nakapagtapos ako ng marami rami ring achievements kagaya ng pagiging Class Monitor ng aming Room, Auditor (Student Body Organization), Secretary (Explorer's Club) Representative (Campus Youth Ministry), Lectors & Commentators Ministry Member at ang pagiging Peer Counselor. Dahil na rin sa hirap ng buhay na amin nang natatamasa, doon ko natutunan ang pagsisikap, naging pursigido akong mag aral ng mabuti para sa aking mga inspirasyon sa buhay, ang aking pamilya at mga kamag-anak. Dahil na rin sa aking determinasyon, nagkamit ako ng maraming mga awards,ilan sa mga yan ay ang Most Cooperative, Service Award, Liturgical Award, Loyalty Award at ang pagiging 1st Honorable Mention. Nagawa ko yan ng may prinsipyo at pananalig sa Poong Maykapal.
Ako ay mayroong isang kapatid, nag aaral na rin sya ngayon at nasa High School na, lagi ko nga syang pinagsasabihan na kahit papaano gumaya sa akin na sa kabila ng lahat ay nakapagtapos at nagpapatuloy pa ng pag-aaral. lagi ko ring sinasabi sa kanya na ang "Edukasyon ang ating magiging susi sa pagbukas ng pinto ng Tagumpay".
At sa ngayon, ako ay College na nag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines sa kursong Bachelor of Science in Industrial and Organizational Psychology. Dala dala pa rin ang hangaring makapagtapos at balang panahon ay maiahon ang pamilya sa hirap. Ako rin ay nagseserve sa ating Panginoon sa pamamagitan ng pagpapatuloy ko ng pagiging isang LCM Member sa aming Parish Church, yan ay isang bokasyon na aking ipagpapatuloy hangga't kaya ko pa, dahil ang Panginoong Diyos ay ang aking sandigang hindi magigiba anuman ang mangyari...
No comments:
Post a Comment