My deepest condolences to the Family and friends of Sean Rodney. Sa
totoo lang po, hindi po kami magkakilala. I'm from Laguna at nabalitaan
ko lang din po ang nangyari sa kanya. Kagaya din po ng iba, simula ng
mapanood ko po ang nangyaring trahedya sa balita, nag-research din po
ako sa mga taong nasawi, at isa na po doon si Sean Rodney. Simula ng
mabasa ko ang mga comments sa FB nya, nababatid ko na napakabuting tao
nya, mabait na anak, mapagmahal na kaibigan. Kaya lubus-lubo...s
din po ang panghihinayang ko sa pagkawala nya. Ilang araw na din po
akong malungkot, ilang beses ko din inabangan sa balita ang update
tungkol sakanya, sa tuwing gigising ako sa umaga, naaalala ko ang
nangyari sa kanya, minsan hindi din ako makakain, hindi ko po alam kung
bakit apektado ako sa nangyari sa kanya, marahil narararamdaman ko na
napakabuti nyang tao at maraming nagmamahal sa kanya. Naisip ko din na
kung may kapangyarihan lang ako na maibalik ang panahon, gagawin ko.
Sana buhay ka pa ngayon. Naiisip ko nga, kung ako nga na hindi nya
kakilala labis labis ang lungkot at panghihinayang, papano pa kaya ang
mga magulang nya? kapatid? kamag-anak at mga kaibigan? Siguro kung isa
ako sa kanila, hindi ko kakayanin Hindi man tayo nagkakilala, pero I
know magmi-meet pa din tayo pagdating ng panahon, nasa Langit ka na. I
know sa maigsing panahon na nabuhay ka, nabuhay ka na masaya at
fulfilled ang naging buhay mo. Kahit madami kapa sanang magagawa at
mararanasan sa mundo, siguro kinuha ka na ni Lord dahil mas kailangan ka
nya sa taas. Gabayan mo nalang ang pamilya mo dahil palagi kang nasa
puso nila. Napagisipan ko din na puntahan ka, kaso hindi ko alam kung
papaano at kung saan. Ngayon ko lang nalaman na nung Saturday ka pala
inilibing, sayang hindi ako nakapunta. Kaya pala nung Sabado, magseserve
sana ako sa libing ng isang patay sa simbahan namin, kaso umulan ng
malakas, hindi na sana ako tutuloy, pero naisip ko na baka ikaw ang
ililibing, kaya nag-serve ako that time kahit kumiklidlat. Ngayon alam
ko na Libing mo na pala that day. Salamat sa grupo na ito, sa mga
nabasa ko sa mga posts dito, iyak ako ng iyak, huling iyak ko ay nung
nanood ako ng Miracle in Cell No. 7. Alam ko masaya kana sa itaas, ang
haba na pala ng post ko. Masaya na din ako kasi nlaman ko na hindi lang
pala ako ang nagkakaganito, kasi madami kami Ngayong National Heroes
Month, ikaw ang BAYANI ko #HEROdney Rest in peace kaibigan See you soon:)
Tuesday, August 26, 2014
Saturday, March 8, 2014
“KAYA KO ‘TO! SA PERSONAL COLLECTION”
Great Life Good Morning mga ka-PC!
Una sa lahat gusto ko munang batiin ng Congratulations ang aking mga kapwa-FAM (Franchise Associate Manager) na g-um-raduate ngayon. Congratulations po sa ating lahat.
Pinasasalamatan ko, una, ang nag-recruit sa akin, walang
iba kundi ang aking bestfriend na si Fey, na ngayon ay pareho na kaming FAM at
sabay pa kaming g-um-raduate ngayon. Sya po ang nagpakilala sa akin ng Personal
Collection at kung hindi dahil sa kanya ay wala po ako ngayon dito. Pangalawa,
pinasasalamatan ko po ang aking Mother FAM na si Ma’am Pamela at ang aking
Mother MD na si Ma’am Rina, na nagtiyagang i-text ako araw-araw, nag-bigay ng
advices sa akin, tumulong, gumabay at tumulak sa akin para marating ko ngayon
ang pagiging isang FAM. Salamat po sa tiwala at sa lakas ng loob na ibinigay
nyo po sa akin. At syempre, pang-huli, nagpapasalamat po ako sa ating Panginoon
na may gawa ng lahat ng bagay. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na gumabay sa
akin sa lahat ng oras, sa totoo lang po masyado akong busy sa trabaho, simbahan
at sa school, nag-aaral po kasi ulit ako, wala po talaga ako’ng time magpunta dito
sa branch kundi every Saturday lang, pero tinulungan at ginabayan po ako ng
Panginoon para makapag-recruit hanggang sa ma-promote.
Tunay nga po na lahat ng mga magagandang bagay na
nangyayari sa ating buhay ay masarap sa pakiramdam, ‘di ba po? Kagaya ngayon na
na-promote po tayo at ganap na tayo’ng mga FAMs, masaya at masarap sa
pakiramdam. Ngunit ang kasiyahang ito ay may kaakibat na paghihirap.
Katulad ng isang hinog na mangga, ang hinog na mangga ay
matamis at masarap. Pero hindi po natin hihintayin na mahulog ang hinog na
mangga mula sa puno nito, bagkus, paghihirapan natin na akyatin ang puno upang
makuha at mapitas ang matamis na mangga. Kagaya dito sa Personal Collection,
bago natin narating ang posisyong ito, naghirap, nagtiyaga, nagsipag at
nagsumikap tayo upang makamit ang matamis na bungang ito na ating natanggap
ngayon.
Ang pagiging isang FAM nawa ay huwag lang nating namnamin
bilang isang masarap na tagumpay, sapagkat ito’y simula pa lang ng ating
paglalakbay dito sa Personal Collection, nawa’y magsilbing hamon sa atin ang
pagiging isang FAM para makamit ang susunod na level, which is ang pagiging
isang FD o Franchise Director. Kung ano’ng effort ang ating ibinuhos para
maging FAM, i-times five po natin, para makamit natin ang pagiging FD.
Hindi ko po alam kung mararating ko pa po iyon. Pero,
sabi nga sa Anthem ng Personal Collection, “Kaya ko ‘to!” kaya kakayakin ko ‘to,
kakayanin natin ito. Kayang-kaya natin ‘to sa Personal Collection!
At kung ipahihintulot ng Panginoon, sa tulong niya, ang
lahat ng bagay ay aking magagawa.
Salamat po at magandang umaga!
Graduation Speech by:
Jonathan m.
hinagpis
Franchise Associate ManagerPersonal Collection Direct Selling Inc.
Calamba Branch
Thursday, January 16, 2014
Subscribe to:
Posts (Atom)