Sunday, October 5, 2008

A.I.W.D.I.M.L.T.Y

Isang maulang gabi noon, nang makilala ko ang taong nagpagulo ng aking mapayapang buhay. Taong nung una kong makita ay hindi na mawala sa isip ko, isang lalaking estranghero na nagpatibok ng aking malungkot na puso at nagbago ng aking malungkot na buhay.

Pauwi na ako non galing sa opisinang aking pinagtatrabahuhan, nakasakay sa aking kotse na bahagya nang makausad dahil sa sobrang trapik kaya naman hindi ko maiwasang mainis dahil aabutin na ako ng kalaliman ng gabi ay wala pa ako sa amin, nasa lungsod pa din ako kung saan naroroon ang aking opisina at ang aking uuwian ay sa malayong lungsod pa. Naisip ko na ngang maghotel na lang at doon na magpalipas ng gabi. Haaay... grabe, inis na talaga ako, ang lakas lakas na nga ng ulan, trapik pa!.. Napabuntung-hininga na lang ako nang mapansin ko ang isang lalaking nasa gilid ng daan, basang-basa siya ng ulan dahil wala siyang payong at halatang nilalamig na dahil ni jacket ay wala siya. Ewan ko ba, kung bakit ang aking inis ay napalitan ng awa at ang aking mga matang nakatitig sa mga sasakyan sa aking unahan ay biglang napatitig sa kanyang maamong mukha. Nakausad na ng bahagya ang aking sasakyan malayo sa kaawa-awang lalaki ngunit hindi pa rin sya nawawala sa aking isip, tumatak na ata ang kanyang maamong mukha sa aking isipan. Hanggang sa nakita ko na lang ang aking sarili na ipinipihit ang aking sasakyan patungo sa kinatatayuan ng lalaki, inalok ko syang sumakay na lang sa aking sasakyan sa kabila ng kanyang kalagayan. Ngiti lang ang ibinalik niya sa alok ko at sumakay na sya ng aking kotse. Tahimik lang kaming dalawa, marahil ay nagkakahiyaan kaming kibuin ang isa't isa, hanggang sa nagsalita sya, tinanong nya kung saan daw ako patungo. Oo nga naman bakit hindi ko man lang itanong sa kanya kung saan sya nauwi at basta ko nalang syang pinasakay sa kotse ko. Nag-usap kaming dalawa, hanggang sa makita ko na lang sa aming dalawa na nagtatawanan at nagbibiruan na pala kami. Napakaganda ng boses nya habang kinakausap ko sya, hindi ko maiwasang tumingin sa kanyang maamong mukha habang kinakausap ko sya. Nahihiya tuloy ako sapagkat himbis na ituon ko ang aking mga mata sa pagmamaneho ay lagi akong napapatitig sa kanyang kaakit-akit na mga mata. Ang kanyang mga mata'y nang-aakit sa bawat pagtitig ko sa kanya, sinabi nya sakin na sya na daw ang magmamaneho dahil nahihiya daw sya sa akin, sabi ko naman ay okay lang, ngunit nagpumilit syang hawakan ang manibela para sa akin nang bigla nyang nahawakan ang aking mga kamay, napakatagal noon, at sinabi nya bigla na ang lambot daw pala ng mga kamay ko. Hindi maiwasan ng puso kong tumalon at tumibok, oh! totoo ba 'to? umiibig ako sa isang taong kakikilala ko lang dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Love at first sight ba 'to? hindi maaari..hindi..

Sya na ang nagmamaneho non ngunit usad pagong padin ang takbo, may nagbanggaan daw kasi. Kaya't upang hindi kami mabagot, binuksan ko ang radio ng aking kotse.."It was a rainy night, when he came into sight.. standing by the road no umbrella, no coat..So i pulled up along side....." ang ganda naman ng tugtog, tinanong ko sakanya ang title non at aba alam nya..Medyo mahina na ang ulan non. Ako'y nakaupo na lang non at nakikinig sa mga kwento nya, nabanggit nya na malayo pa din daw ang uuwian nya at delikado kung tutuloy pa sya ng pag-uwi sa kalagitnaan ng gabi. Sa gitna ng aming usapan ay di namin inaasahang mapagkasunduan na lamang na kumuha ng hotel at doon magpalipas ng gabi, ang bilis ng pangyayari at nakita ko na lang ang aking sarili sa tapat ng hotel at naghihintay sa lalaking nagpaparada lang ng aking kotse, sa lalaking kakikilala ko lang at makakasama ko kaagad ngayong gabi?

Maganda ang hotel, hindi daw mahalaga kung sino ang magbabayad basta't ang mahalaga daw ay para sa amin ang gabing iyon na magkasama buong gabi. May pagtataka sa aking isipan nang idugsong nya bigla na ang gabing iyon daw ay para sa aming dalawa na malaman pa ang ilang mga bagay bagay tungkol sa amin. Wala kaming balak matulog nang gabing iyon, dahil para sa amin, ayaw naming masayang ang gabing nagkasama kami, nais naming saksihan na matapos ang gabing iyon kung kailan kami nagkakilala, gabing hindi namin makakalimutan bilang magkaibigan..magkaibigan? o magka-ibigan?.. 'yan ang tanong na hindi namin maungkat at mabuksan sa isa't isa. Basta't para sa amin, ang gabing iyon ay espesyal para sa aming dalawa. Hindi namin maiwasan ang bawat pangyayari sa amin nung malamig na gabing iyon, marahil ay hindi namin mapigilan ang maakit at umibig sa isa't isa. Hindi ko na alam ang nangyayari sa amin ng madilim na gabing iyon, basta't ang alam lang namin ay ang pagtibok at pagbugso ng aming damdamin para sa isa't isa, gabing ayaw na naming matapos pa. Kinaumagahan, pagmulat ng aking mga mata, nakita ko ang aking sarili na balot ng kumot, katabi ang lalaking nakasama ko buong gabi. Dali-dali akong nagbihis, oo, may nangyari sa amin at iyon ay kasalanan para sa akin, kasalanang ginusto kong gawin para sa lalaking akin nang inibig. Pinagmamasdan ko sya habang sya'y mahimbing pang natutulog, pinagmamasdan ko ang kanyang katawang nakasalo ng aking katawan buong magdamag.

"I am the flower, you are the seed....

we walked in the garden, we planted a tree...

don't try to find me, please don't you dare!

Just live in my memory, you're always be there..."

Mga katagang isinulat ko sa isang pirasong papel, hango sa kantang napakinggan naming dalawa sa aking kotse nung gabing kami'y magkakilala, mga salita ng pamamaalam ko sa kanya.. Iniwan ko ang papel sa may maliit na mesa sa tabi ng kama at ako'y dahan dahang lumabas ng kwarto at bumaba upang magbayad ng hotel. Tumutulo ang luha ko non', marahil masakit para sa akin ang iwan sya ng walang paalam sa kabila ng nangyari sa amin. "I didn't ask him his name..the lonely boy in the rain..Faith! tell me it's right, it is Love at first Sight..please don't make it wrong.." ang kantang pilit pa ring umaawit sa aking isipan habang tinatahak ko ang daan pauwi sa amin, palayo sa kanya..Sabagay, tama ang kanta, wala akong alam tungkol sa kanya, hindi ko nagawang itanong sa kanya ang pangalan nya, ang isang bagay na ayokong tumatak pa sa isipan ko dahil maaalala ko sya.."Ooh we made love, Love like Strangers all night long..we made love.."

Dalawang taon ang mabilis na lumipas.....

Lumabas ako ng simbahan non, katatapos lang ng misa...nang bigla akong nagulat sa nakitang taong nasa harapan ko, isang lalaking pamilyar sa aking mga mata ang mukha..sya nga, sya nga ang lalaking iyon, pinilit kong huwag tumulo ang mga luhang namuo sa aking mga mata..nang bigla syang nagsalita..

"Matagal kitang hinanap, ilang taon ang lumipas. Bakit ka nawala? bigla mo na lang akong iniwan..." may lakas ng tono sa kanyang pananalita.

Hindi ako makapagsalita, nang biglang may lumapit sa aking isang bata at sinabi: "Mommy, sino pong kausap mo? kanina ka pa namin hinahanap ni Daddy, andun pa po sya sa loob nakaupo at nagdadasal..."

"Baby, go to your Dad, susunod na ako don..Go"

"Anak mo 'yon?" sarkastikong tanong nya

"Oo, may asawa na ako't anak ano pa ang kailangan mo?" sagot ko sa tanong nya, pero hindi ko magawang tumingin sa kanyang mga mata.

"Pero.." gusto na nyang sumigaw "Bakit?...H-hindi mo pa sinasagot ang tanong ko...pa'no na ang gabing iyon, ang nangyari sa atin?..matagal kitang hinanap" paninising tono nyang sinabi. "Ginamit mo lang ba ako? huh? sumagot ka!.."

Paiyak na ako non, dahil sa tindi na ng aking nararamdaman, hanggang sa ipinagtapat ko na sa kanya ang totoo.

"Oo! ginamit lang kita!" tumulo na ang mga luha ko non.."ginamit lang kita, ngunit hindi ko akalaing magiging ganito ako sa'yo. Simula nong gabing iyon hindi ka na mawala sa sisp ko...Alam mo ba? matagal na akong kasal bago pa man mangyari ang gabing yon, ang tayo'y magkakilala.."

"Ano?" tanong nya "Pano mo nagawa 'yon?..A-ang laki kong tanga alam mo 'yon?"

"Kaya ko nagawa 'yon.." pagpapatuloy ko.."Dahil ang aking asawa, ang aking asawa ay may malubhang sakit, at malapit na syang mawala. Hindi kami magkaanak dahil sa sakit nya, at natatakot akong mawala sya sa mundong ito na hindi man lang kami nagkakaanak, na hindi man lang nya maranasan ang pagiging isang ama, dahil..sa..baog sya.."

"A-anong ibig mong sabihin? kaninong anak sya?" tanong nya

"Sa iyo sya, ang batang nakita mo kanina na tumawag sa akin ay anak mo, anak natin, nabuo nung gabing iyon.." muli na namang tumulo ang aking luha. "Akala ko magiging masaya na ako non, ang makita syang kasama ang isang batang itinuring na nya na tunay nyang anak. Hindi nya alam yon, dahil ako lang ang nakakaalam, hindi ko magawang ipagtapat sa kanya dahil naaawa ako sa kanya..Pero naaawa din ako sa sarili ko dahil naaalala kita, naiisip kita sa

No comments: