1 and a half hour before 2011, actually 'di ako masaya, ganito naman lagi ako sa tuwing sasapit ang bagong taon. Nalulungkot kasi ako, parang ang hirap iwan ng kalendaryo para sa'kin. Madaming nangyari nu'ng 2010 na ang hirap kalimutan, mga pangyayari sa buhay, mga nakilala. 'Yung iba gusto ko nang kalimutan pero mahirap talaga.
Matagal na talaga akong malungkot, ang pangit kasi ng naging huling araw ng 2010 ko. Super busy para sa'kin ang mga huling araw ng buwan ng December, Simbang Gabi, duty sa McDo, Xmas Parties. Pero nauwi lang sa masaklap na pangyayari. December 18 pa lang naratay na'ko sa higaan. Kala ko gagaling ako kaagad, 'yun pala malalang sakit ang dumapo sa'kin. Hanggang sa 'di ko na kinaya. Nagpa-confine na'ko sa Ospital ng Cabuyao nung December 22, first time kong ma-confine actually. Andaming nangyari talaga, sinalinan ako ng dugo, madami ginawa sa'kin, mga nakilala ko sa ospital, andami talaga. Until I realized na talagang ang hirap pala magkasakit, unforgettable christmas at the hospital, 'di ko talaga naramdaman ang Pasko. Kahit madami dumalaw sa'kin, mga nagbigay ng tulong at suporta, 'di ko sila makakalimutan. Ayoko nang alalahanin pa ang mga nangyari. Lalo lang ako nalulungkot. Basta nasa isipan ko lagi 'yun, 'di na 'yun mawawala. Ngayon nasa moving-on-stage pa din ako, hindi ko man lang na-feel ang Christmas vacation ko, magpapasukan na kaagad.
Andami ko nang gusto kalimutan, alam ko makakalimot din ako. Basta darating din ang araw, pag nagpasukan na sasaya na ulit ako. Kaso iniisip ko pa lang na mag-o-OJT na ulit ako, ayoko na. Kung pwede lang talagang tumigil na sa pag-o-OJT. Matatapos din 'yan, alam ko. Ang pagkakaha nami-miss ko na, pagse-serve ko sa simbahan, andami kong haharapin sa 2011. Ang nagpapasaya na lang sa'kin ang Cabuyao Cityhood Bill, 'yan na lang talaga. Sa tuwing maaalala ko ang fact na nalalapit nang maging City ang Cabuyao, natutuwa ako. 'Yan na lang talaga ang nagpapasaya sa'kin. Kasi accomplishment ko din 'yun sa totoo lang.
1 hour before 2010 ends, nagre-reminisce ako. Iisipin ko na lang na last year ganito din naman ako, next year same situation din, I know. 2010 is now becoming part of my history. Ganito na lang ba lagi mararamdaman ko sa tuwing magpapalit ang taon? Andami kasi talagang nangyari nung 2010 eh. 439th Cabuyao Day, March 26 naging Diocesan Shrine ang Parokya namin, masaya nung Fiesta, National and Local Election, 4th year na 'ko, lovelife ko maayos ba? Ahm, I joined Skyscrapercity Forum (representing Cabuyao), naging City na ang Biñan, Cabuyao na ang "Richest Municipality of the Philippines", 1 year na'ko sa McDo, nakilala ko ang mundo ng SDTG, nagka-N70 na'ko, sa Asia Brewery ako nagka-OJT, Cabuyao Cityhood was finally endorsed to Congress, at madami pa. Pero History ko na 'yan. Sinulat ko lang dito para maalala ko ulit pag binasa ko 'to.
Super thank you talaga 2010! Mwuahx! Hello 2011? Anung meron? Tnt.
Jonathan Manangkil Hinagpis
As of January 01, 2011 (12:00:00 AM)
I'm 20 years and 26 days old
Single and still 100% Virgin (Moderately proud)
4th Year College
3 years and 9 months of service as a Lector
1 year, 2 months and 24 days of being a Service Crew at McDonald's Cabuyao
Already accomplished 100 hour-training at Asia Brewery, Inc.
No Criminal Record.
othanhinagpis2010 is now signing off...
No comments:
Post a Comment