Damang-dama ko ang pagpapalit ng taon, kitang-kita ko sa TV ang bawat segundong nalalabi sa pagtatapos ng 2010, hanggang sa mag eksaktong 12:00:00 AM, 2011 na! Masaya ba 'ko o malungkot? Actually kanina pa nagpuputukan sa labas, masyado kasing advanced ang mga relo nila, o talagang excited lang sindihan ang mga paputok nila? Kaliwa't kanan ang putukan sa kalsada, pati mga fireworks sa kalangitan. Wala akong ginawang pamahiin kundi tumalon lang, mag-alog ng barya sa bulsa, every year ko 'yun ginagawa. Feeling ko kasi sinusuwerte ako pag maraming barya ang bulsa. Saglit lang ang naging putukan sa labas, wala pa atang 30 minutes tapos na kaagad, 'di katulad last year. Kumpleto ang pamilya, nagkainan sabay-sabay, wala naman ako ginawa nung gabing 'yun kundi kumain lang ng kumain. Busog na busog ako. Madami talagang makakain pag Bagong Taon, sa totoo lang ano ba talagang meron? Parang fiesta samin pag New Year, kasi may hamunado, buko salad. Pag fiesta lang kami gumagawa nun tsaka pag New Year. Dapat daw talaga madaming pagkain pag bagong taon, para buong taon na magiging sagana sa pagkain ang buong pamilya.
Natapos ang kainan, wala nang ingay sa labas, nag-uwian na din ang lahat, isang magandang selebrasyon kung saan nagkasama-sama ang pamilya sa iisang dahilan, ang pagpapalit ng taon. Sana buong taon ding sama-sama ang lahat.
Inantok na ulit ako, actually kanina ko pa gustong matulog, ayoko lang salubungin ang New Year nang tulog kaya 'di muna ko natulog. Sa wakas, makakatulog na din. Sarap kasi matulog pag antok na antok ka na, tapos malamig pa.
Pagsikat ng araw, may Reunion ang pamilya. Sana mag-enjoy ako..
No comments:
Post a Comment