Wednesday, March 2, 2011
END OF THE LINE..OH AYOKO NA...
As darkness fills this room, WAAAHH. KAKALUNGKOT!
I don't know why you ain't called, WALA KA NAMAN TALAGANG PAKE SA'KIN :))
Little things you used to do, PAKE KO SAU :DD
There no longer part of you, OO NGA!
Seems you left them all behind, PATI AKO :((
Well I can't believe what I'm going through, NABABALIW NA AKO..
This thing it, just ain't right, TAMA!!
Your selfish ways, how you carry on, MAKONSENSYA KA NAMAN (--,)
Somethings you just can't hide, WALA KANG KAWALA!
(If you want me to go) Then Say It, ILAKAS MO PA..
(Want me to stay) Then show it, KUNG GUSTO MO NGA..
(Don't be afraid) Oh don't break this heart of mine, ANGSAKIT HA..
Now's the time, If I'm right, IF EVER LANG TAMA AKO..
then we've come to the end of the line, SIGURO NGA :'((
So Say It, LOUDER!!!
(Want me to stay) Then show it, PLEASE??
(Don't be afraid) Oh don't break this heart of mine, OUCH, HATE YOU!
Now's the time, If I'm right, SANA NGA TAMA NA AKO..
then we've come to the end of the line, TALAGA??
Seems like I can't do you right, PARA SA'YO LANG 'YUN, SA'KIN HINDI!
All I do or say is wrong, LAGI NA LANG!
All the smallest thing criticized, WALA NA AKONG SINABI....
I deserve some damn respect, SYEMPRE NAMAN!
Nothing more and nothing less, SABAGAY..
Don't pretend everything's fine, KAPAL MO..
Don't hold it back if its in your heart, 'WAG MO NANG PIGILAN.
Stand up and be a man, GO! MAGPAKALALAKI KA NAMAN!
Can't read your mind, PAPANO? 'DI BA??
So I just say aloud, IPAGSISIGAWAN KO TALAGA..
I'm trying to understand, KAHIT NAGUGULUHAN PA RIN AKO..
(If you want me to go) Then Say It, AALIS TALAGA AKO. SABIHIN MO LANG..
(Want me to stay) Then show it, IPAKITA MO LANG NA DAPAT PA AKONG MAG-STAY, I WILL!
(Don't be afraid) Oh don't break this heart of mine, NASASAKTAN NA AKO, MATAGAL NA..
Now's the time, If I'm right, KUNG TAMA NA TALAGA AKO..
then we've come to the end of the line, TIGILAN NA NATIN 'TO..AYOKO NA :((
MY LAST MESSAGE TO YOU, JOHN VERGEL...
JOHN VERGEL T. ADARBE
1993-2011
Friday, January 7, 2011
MY CONVERSATION WITH VICE-MAYOR ABOUT CABUYAO CITYHOOD BILL
VM MEL: Yes Jonathan....it has become a house bill and we will do our best for its earliest approval...cityhood is an accomplishment for local autonomy...the capacity to stand on our own , relying on our own resources , and giving the full potentials of development for our people and local investors.......god bless
ME: Goodluck po sa mga congress readings, senate hearings at plebiscite ng Cabuyao Cityhood Bill. Sana po makapasa tau, I know that Cabuyao is really deserving to become a city. I keep on updating the article of Cabuyao in Wikipedia especially the Cityhood section. Goodluck po sating lahat. Mabuhay po tayo..
VM MEL: at your service jonathan....we will do our best
ME: Thank you Vice. May God give you more strength and power. Gud'nyt po..
THIS IS ACTUALLY OUR SECOND CONVERSATION, I KEEP ON ASKING HIM ABOUT THE STATUS OF CABUYAO..HEHEHE
(http://www.facebook.com/photo.php?fbid=1757014495509&set=a.1343253351739.2048595.1543391758&pid=31811835&id=1543391758#!/permalink.php?story_fbid=182046261819404&id=100000062934383)
CABUYAO CITYHOOD BILL
(My post in Skyscrapercity.com forum (CALABARZON Thread) about Cabuyao Cityhood Bill)
HOUSE BILL NO. 03811
FULL TITLE : AN ACT CONVERTING THE MUNICIPALITY OF CABUYAO IN THE PROVINCE OF LAGUNA INTO A COMPONENT CITY TO BE KNOWN AS THE CITY OF CABUYAO
BY: CONGRESSMAN/WOMAN CHIPECO, JUSTIN MARC SAN BUENAVENTURA
DATE FILED ON 2010-12-06
REFERRAL ON 2010-12-13 TO THE COMMITTEE ON LOCAL GOVERNMENT
SIGNIFICANCE: LOCAL
DATE READ: 2010-12-13
SOURCES:
HOPEFULLY THIS YEAR OR EARLY 2012 MAISABATAS NA ANG CABUYAO CITYHOOD BILL, CONVERTING MY DEAREST HOMETOWN INTO A NEW BOOMING CITY HERE IN LAGUNA.
Saturday, January 1, 2011
THANK YOU 2010! WELCOME 2011!
Natapos ang kainan, wala nang ingay sa labas, nag-uwian na din ang lahat, isang magandang selebrasyon kung saan nagkasama-sama ang pamilya sa iisang dahilan, ang pagpapalit ng taon. Sana buong taon ding sama-sama ang lahat.
Inantok na ulit ako, actually kanina ko pa gustong matulog, ayoko lang salubungin ang New Year nang tulog kaya 'di muna ko natulog. Sa wakas, makakatulog na din. Sarap kasi matulog pag antok na antok ka na, tapos malamig pa.
Pagsikat ng araw, may Reunion ang pamilya. Sana mag-enjoy ako..
Friday, December 31, 2010
MY LAST DAY OF 2010
Matagal na talaga akong malungkot, ang pangit kasi ng naging huling araw ng 2010 ko. Super busy para sa'kin ang mga huling araw ng buwan ng December, Simbang Gabi, duty sa McDo, Xmas Parties. Pero nauwi lang sa masaklap na pangyayari. December 18 pa lang naratay na'ko sa higaan. Kala ko gagaling ako kaagad, 'yun pala malalang sakit ang dumapo sa'kin. Hanggang sa 'di ko na kinaya. Nagpa-confine na'ko sa Ospital ng Cabuyao nung December 22, first time kong ma-confine actually. Andaming nangyari talaga, sinalinan ako ng dugo, madami ginawa sa'kin, mga nakilala ko sa ospital, andami talaga. Until I realized na talagang ang hirap pala magkasakit, unforgettable christmas at the hospital, 'di ko talaga naramdaman ang Pasko. Kahit madami dumalaw sa'kin, mga nagbigay ng tulong at suporta, 'di ko sila makakalimutan. Ayoko nang alalahanin pa ang mga nangyari. Lalo lang ako nalulungkot. Basta nasa isipan ko lagi 'yun, 'di na 'yun mawawala. Ngayon nasa moving-on-stage pa din ako, hindi ko man lang na-feel ang Christmas vacation ko, magpapasukan na kaagad.
Andami ko nang gusto kalimutan, alam ko makakalimot din ako. Basta darating din ang araw, pag nagpasukan na sasaya na ulit ako. Kaso iniisip ko pa lang na mag-o-OJT na ulit ako, ayoko na. Kung pwede lang talagang tumigil na sa pag-o-OJT. Matatapos din 'yan, alam ko. Ang pagkakaha nami-miss ko na, pagse-serve ko sa simbahan, andami kong haharapin sa 2011. Ang nagpapasaya na lang sa'kin ang Cabuyao Cityhood Bill, 'yan na lang talaga. Sa tuwing maaalala ko ang fact na nalalapit nang maging City ang Cabuyao, natutuwa ako. 'Yan na lang talaga ang nagpapasaya sa'kin. Kasi accomplishment ko din 'yun sa totoo lang.
1 hour before 2010 ends, nagre-reminisce ako. Iisipin ko na lang na last year ganito din naman ako, next year same situation din, I know. 2010 is now becoming part of my history. Ganito na lang ba lagi mararamdaman ko sa tuwing magpapalit ang taon? Andami kasi talagang nangyari nung 2010 eh. 439th Cabuyao Day, March 26 naging Diocesan Shrine ang Parokya namin, masaya nung Fiesta, National and Local Election, 4th year na 'ko, lovelife ko maayos ba? Ahm, I joined Skyscrapercity Forum (representing Cabuyao), naging City na ang Biñan, Cabuyao na ang "Richest Municipality of the Philippines", 1 year na'ko sa McDo, nakilala ko ang mundo ng SDTG, nagka-N70 na'ko, sa Asia Brewery ako nagka-OJT, Cabuyao Cityhood was finally endorsed to Congress, at madami pa. Pero History ko na 'yan. Sinulat ko lang dito para maalala ko ulit pag binasa ko 'to.
Super thank you talaga 2010! Mwuahx! Hello 2011? Anung meron? Tnt.
Jonathan Manangkil Hinagpis
As of January 01, 2011 (12:00:00 AM)
I'm 20 years and 26 days old
Single and still 100% Virgin (Moderately proud)
4th Year College
3 years and 9 months of service as a Lector
1 year, 2 months and 24 days of being a Service Crew at McDonald's Cabuyao
Already accomplished 100 hour-training at Asia Brewery, Inc.
No Criminal Record.
othanhinagpis2010 is now signing off...
Friday, August 27, 2010
PINAKAMAGANDANG LIKHANG KASUOTAN

“Ang pagiging isang malikhain
ay hindi lamang kapansin-pansin,
bagkus, kasing ning-ning rin
ng mga pahayagan at magasin…”
-othanhinagpis2010
Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat!
Isang malaking karangalan at pribilehiyo na ihandog sa inyo, ang pinakapayak, pinakakakaiba at pinakamahusay na likhang kasuotan na bunga ng mga pagsisikap, pagkakaisa, pagtutulungan at pagiging malikhain ng mga mag-aaral mula sa daynamikong Departamento ng Sikolohiya!
Mula sa ikalawang antas, malugod kong ipinakikilala, ang aming Lakambini na si Binibining Rasel Leycano, taglay ang kagandahang mababanaag sa isang tunay na dalagang Pilipina. Kasama ng aming Konsorte na si Ginoong Mark Jerome Maraña, taglay ang kakisigan at pagka-maginoong tatak ng isang tunay na binatang Pilipino.
Sa kanilang mga bihis habang inyong pinagmamasdan, inyo ring masisilayan ang simple ngunit kakaibang likhang kasuotan na gawa sa iisang sangkap----- ang papel. Papel na nagmula sa mga puno, ang puno na isang natural na bagay at anak ng Inang Kalikasan. Papel na mula sa mga pahina ng pahayagan na binilot at pinilipit upang makabuo ng isang eleganteng baro. Nilalá at hinabi upang makabuo ng isang makabayang polo at tsaleko. Pinaggupit-gupit at pinagdikit-dikit upang makalikha ng isang bukod-tangi at naiibang sumbrero. Ang mga pahayagan ang araw-araw na bumubusog sa ating mga isipan ng mga napapanahong balita, masama man o mabuti, at ng mga makabuluhang impormasyon.
Ang mga makukulay na magasin ang nagpatingkad, nagbigay-buhay at nagbigay-kulay sa aming nilikhang kasuotan. Mula sa mga dahon nito na tinupi at ginawang abaniko, na pinagsama-sama at pinagtagpi-tagpi hanggang sa makabuo ng isang agaw-pansin, magarbo at mala-traje de boda’ng saya. Ang mga pinira-pirasong papel na nagmula sa mga makukulay na pahina nito ang nagsilbing palamuti na lalong nagpaganda sa aming nilikhang kasuotan. Sa mga magasin natin nababatid ang mga iba’t ibang bagay, istorya, artikulo, paksa at mga larawan na lalong nagpapaigting sa ating mayayamang kaisipan.
Mula sa mga patapong bagay na kagaya ng mga lumang pahayagan at magasin, na hinaluan ng makabayang konsepto at kakaibang istilo, tayo ay makalilikha ng isang maipagmamalaki at natatanging obra na ating maipagmamalaki bilang mga mahuhusay at malilikhaing mga Pilipino.
“Muli po, inyong pagmasdan,
ang aming pinagpawisan,
na likhang kasuotan,
mula sa aming kognitibong kaisipan!”
MABUHAY ANG MGA KAPWA KO MAG-AARAL NG SIKOLOHIYA!
Magandang umaga pong muli, at marami pong salamat.